Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelika, natulala at nanigas nang tangkaing saksakin ng isang lalaki

TIYAK na na-trauma si Angelika dela Cruz dahil abot pa rin ang kanyang kaba nang mapanood sa telebisyon dahil tinangka siyang saksakin ng isang lalaki habang nangangampanya bilang kapitana ng kanilang lugar sa Malabon. Nanigas, natulala, at nabigla siya sa pangyayari.

Buti  na lang at hinatak siya ng bodyguard niya at  kinuyog na ang lalaking gusto siyang saksakin.

Ibang-iba raw ang showbiz sa politics dahil pati buhay niya ay nanganganib. Sana raw ay hindi dumaan sa karahasan ang pagtakbo niya sa politics lalo’t pinsan niya ang kalaban sa posisyon.

‘Yun na!

DK, international singer na ang dating

MASUWERTE ang  Pinoy Singing Sensation na si DK Valdez after his five successful shows sa Germany at ilan pang bansa sa Europa, isang lingo lang siyang nag-promote ng kanyang album sa ‘Pinas. Nagpunta siya sa local radio stations sa Ormoc City at dumalo rin sa 5thPMPC Star Awards for Music na nanalo siya ng Best New Recording Artist last year.

After  that, nagpunta siya sa Thailand para sa kanyang series of shows. Ngayong week na ito babalik siya sa Pilipinas dahil may promo pa rin ang kanyang album na DK Valdez: Its All About Love .

Kasamang dumating ni DK ang mga taga-TicketAir Penina Onde-Buehrer at Vinod Shrestha . Yes, si DK Valdez ang endorser ng travel agency na ito na sikat na sikat sa Germany.

Sa Dusit Thani Hotel nag-stay ang grupo at pagdating ni DK agad ding ibinalita sa na balik chart (number 2 slot) ang kanyang album na It’s All About Love . Last year ay kung ilang beses itong nag-number one including foreign albums na nakapaloob dito ang revival song niya sa kantang My Love Will See You Through at ang kanyang carrier single na Tatanggapin Pa Ba Kita.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa Ormoc si DK at ipino-promote sa mga local radio stations doon ang kanyang album, at sa October 15 to 20 ay nasa Thailand naman siya particularly sa Pattaya for several shows at makakasama niya ang ilang kilalang singers from England.

Sa October 23 ay may show siya sa Tabacco, Albay para sa isang kampanya, October 26, sa Tanauan Batangas Gymnassium , Pre- haloween party ng Smile FM 89.5 na napakikinggan ang kanyang kantang Tatanggapin Pa Ba Kita.

Maririnig din ang awiting ito ni DK sa 3 station—sa Star FM, LS FM, at Pinas FM.

Nakapili na rin siya ng mga kanta na kanyang gagamitin for his second album.

Balik ulit ng Europe si DK sa November 5 para sa iba pang singing engagement at magre-record na rin siya ng kanyang panibagong album doon.

‘Yung MTV pala ni DK ng Tatanggapin Pa Ba Kita ay ginawa niya sa Thailand with Thai models kaya international na international singer na talaga siya in the truest sense of the word.

Tsuk!

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …