Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vision board, maaari bang i-feng shui?

SAAN ba ang best feng shui placement ng vision board, sa opisina ba o sa bedroom?

Ang vision board at ano mang board na kung saan iyong idini-display ang mga imahe na kumakatawan sa ano mang iyong nais na maging, gawin o marating sa buhay.

Ang vision o dream board, ay napakainam na paraan ng pag-focus ng iyong enerhiya, at katulad ng ano mang décor item, maraming good at not-so-good feng shui areas sa bahay para ito ay i-display.

Para mabatid ang pinakamainam na feng shui location ng vision board, suriin ang dalawang pangunahing factors.

Una, i-clear ang pangunahing focus ng inyong vision board. Gumagawa ka ba ng isang vision board para sa lahat ng layunin, o nais mo ng maraming boards para sa iba’t ibang adhikain.

Halimbawa, ang isang indibidwal ay mayroong vision board sa home office na naka-focus sa pera at tagumpay sa negosyo, at isa pang vision board sa bedroom walk-in closet o sa bedroom wall na naka-focus naman sa love at kalusugan.

Ang creative person ay maaaring mayroong isa pang vision board para naman sa creative studio na visual expression ng intuitive free flow ng mga asosasyon base sa iba’t ibang imahe na konektado sa kanyang trabaho, pagiging creative, etc.

Pangalawa, suriin ang pangunahing materyales na ginagamit sa pagbuo ng iyong vision board. Ito ba ay yari sa bakal o kahoy? Ang mga imahe ba ay nakakonekta sa seamless way (halimbawa, glue o invisible tape) o idinidikit ito at inaayos gamit ang metal pins?

Makaraang masagot ang dalawang tanong, handa ka nang maghanap ng perpektong lokasyon base sa feng shui bagua guidelines, gayundin sa simpleng common sense.

Halimbawa, sa simpleng common sense, mauunawaan mo na ang metal board (cold energy) ay hindi mainam sa bedroom kung saan dapat ay magkaroon ka ng warmth. Sa common sense din ay mababatid mo na ang board na maraming nakatusok na metal pins ay maaaring magdulot ng sha chi (negative energy) sa bedroom na very bad feng shui. Magtiwala sa iyong common sense, dahil ito ang maghahatid sa iyo ng good feng shui.

Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …