Sunday , December 22 2024

Bakit ba ayaw mong bitiwan?

BAKIT kaya ayaw bitiwan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang kanyang pork barrel na mas kilala sa tawag na Disbursement Acceleration Program (DAP) sa kabila ng malinaw na kagustuhan ng kanyang mga boss na ibasura ito?

Akala ko ba ay tuwid na landas ang prinsipyong pinanghahawakan ni B.S. Aquino?  Hindi ba’t ito ay isa sa kanyang mga pangako sa kanyang mga boss noong siya ay tumatakbo pa lamang para sa pagka-pangulo ng bansa? Ang pagtalikod niya sa kanyang pangako ay patotoo lamang sa matandang kasabihan na “napapako ang mga pangako ng mga pul-politiko.”  Ito ang dahilan kaya hindi ito dapat asahan.

Kahit ano pang magandang rason ang gamitin para mabigyang katarungan ang DAP ni B.S. Aquino o ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga miyembro ng kongreso, ang mga ito ay kapos sa pamantayan ng kawastuan at tukso para sa mga nasa poder na gumawa ng kabulastugan. Alam ng lahat na ang layunin ng pork barrel mapa-DAP o PDAF man ito ay para mamantikaan ang kongreso upang maging madali sa Malacañang ang pagpapasunod sa mga pul-politiko. Malinaw na suhol ito kahit ano pa mang acronym ang gamitin dito ng mga amuyong ni B.S. Aquino III.

Akala ng marami ay magkakaroon ng pagbabago sa pagupo ni B.S. Aquino III sa poder pero tila nagkamali ang mga nag-akala. Parang nagisisi tuloy ako dahil kahit paano ay isa ako sa mga nagbigay ng benefit of the doubt. Hindi ako nakinig sa mga puna noon na wala naman nagawa si B.S. Aquino III noong siya ay congressman at senador ng bayan kaya malabong may gagawin siya kapag naging pangulo ng bansa.

Hmmm kaya siguro wala rin siyang nagagawa ngayon. Ano palagay ninyo?

* * *

Maganda ang ipinoste ni dating Kalihim Rafael Alunan III kaugnay ng kinasasadlakan ng kasalukuyang administrasyon. Ika niya:

“Daang Matuwid” is in tatters and things are looking downhill from here. Malacañan should have a recovery plan that will not just go through the motions or talk the talk; it should be seen as “walking the talk” every day ‘til June 30, 2016, with empirical evidence of government’s sustainability beyond that date.

Malacañan should subordinate politics and political ambitions to serious and thorough housecleaning of all corrupt employees and crime syndicates. It may sound like a tall order but it can be done if Malacañan musters the sincerity and competence to exercise good government from here on.

As it proceeds to clean house – should be now, not later – it should immediately:

1. end the pork barrel system in any form;

2. account for all the monies from the general fund and special-purpose funds that were allocated and utilized as pork;

3. dump all the crooks, high and low, in the dungeons;

4. get the Freedom of Information Act passed to give the citizens a fighting chance to exercise vigilance.

* * *

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga isyu ng panahon ugaliing making sa podcastpilipinas.com/nelsonflores tuwing Huwebes alas nueve (9) hanggang alas diyes (10) ng gabi .

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *