APAT na pulis-Maynila kabilang ang dalawang opisyal, ang sinibak sa pwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Chief Supt. Marcelo Garbo, Jr., matapos maaktohan nakasakay sa motorsiklo nang walang suot na helmet kahapon ng umaga sa Maynila.
Agad na ipina-relieve ni Garbo ang dalawang pulis na sina PO2 Nuñez at PO2 Paes na nakata-laga sa Barbosa Police Community Precinct ng Manila Police District (MPD) Station 3.
Bilang command res-ponsibility, ipinasisibak din ni Garbo sa pwesto ang superior ng dalawang pulis na sina Senior Supt. Ricardo Layug, hepe ng MPD Station 3, at Barbosa PCP commander na si Sr/Insp. Robinson Maranion.
Base sa report, patu-ngo sa La Loma Police Station si Garbo upang magsagawa ng surprise inspection kahapon ng umaga nang maaktohan niya sina Nuñez at Paes na nakasuot ng uniporme na nakasakay sa motorsiklo nang walang suot na helmet kaya kanyang sinita.
Bukod dito, nakita rin ni Garbo na isa sa dalawang pulis ay may bi-gote na mahigpit ipinagbabawal sa isang alagad ng batas.
Nauna rito, walong pulis sa Muntinlupa ang sinibak ni Garbo nang ma-late sa pagdalo ng command conference na ginanap sa Muntinlupa Headquarters.
(JAJA GARCIA)