Friday , November 15 2024

Pati relief goods napopolitika na sa Bohol

GRABE naman ang mga politiko sa Bohol. Pati sa panahon ng kalamidad at pamimi-gay ng relief goods pinaiiral ang pamo-molitika!

Porke’t hindi sila nanalo sa mga barangay na grabeng naapektohan ng lindol ay hindi nila bibigyan ng relief goods.

Dapat nga n’yan, ngayon nila ligawan ang mga taong hindi bumoto sa kanila noon upang sa darating na eleksyon (2016) ay iboboto na sila ng mga residente rito.

At sa panahon ng kalamidad, dapat isantabi ang politika. Dapat tulong-tulong. Ganyan tayo dapat, mayor, kongresman at gobernador!

Tulong ng Navy sa Bohol

Mr. Venancio, sa natitirang baterya ng cellphone ng -aking pinsan ay nakapag-text pa siya sa amin upang ipaalam ang kanilang sitwasyon sa Brgy. Cambaquil, Loon, Bohol. Ang aking pinsan at ang kanyang pamilya ay ilan lamang sa matinding nasalanta ng 7.2 magnitude na lindol na tumama sa probinsya ng Bohol.

Ang sabi ng aking pinsan sa kanyang text, dahil isla ang Brgy. Cambaquil, ay napakahirap na mapuntahan ng mga volunteers upang magbigay ng pagkain at inumin, subalit napawi ang kanilang pagkauhaw nang isang araw ay duma-ong sa isla ang sasakyang pandagat ng Philippine Navy kasama ang ilang taga media upang magbigay sa kanila ng pagkain.

Natuwa ako nang malaman ko na mayroon ng pantawid-gutom na naibigay sa pamilya ng aking pinsan maging sa iba pang naninirahan sa Cambaquil. Kahit paano ay may ayudang dumating mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng Navy at ng volunteers. Dasal ko lamang na maging matatag ang aking pinsan at ang iba pang nasalanta ng lindol, ‘wag sana silang mawalan ng pag-asa. Karamay nyo po kami sa panalangin.

Alam ko na unti-unti ay makakabangon ang Bohol at muling masisilayan ang ningning at kulay ng progresibong probinsya. Bangon SugBohol! – Pia Arimateo

Jueteng ni BOLOK SANTOS

full blast  uli sa QCPD

at Caloocan City

SA kabila ng paulit-ulit na babala ng pamunuan ng PNP sa kanilang district directors at maging sa mga field commanders about one-strike policy laban sa mga ilegal na sugal lalo na ang JUETENG ay nagawa pa rin makapag-operate in full blast ang jueteng ng kilalang gambling lord na si Tony -Santos-Bolok sa Quezon City.

Nakatimbre raw sa tanggapan ni NCRPO Chief Marcelo Garbo at QCPD Chief Richard Albano ang jueteng operation ni Bolok. P200K a week daw ang timbre sa mga bata ni Gen. Garbo, P160K sa mga bata ni Albano at tig-P50K sa mga police stations.

Ganito rin sa Caloocan City: P100K sa opis ng Chief of Police at tig-P50K sa bawat police stations.

Meron din sa Quezon City Hall (P80K) at sa Caloocan City Hall (P50) a week!

Ang bata naman ni Don Ramon na si “Bo-yet Kalabaw” ay umeerya sa Caloocan City at Valenzuela. Lotteng naman ang operations nila na tumatabo ng P3 milyon araw-araw!

Ang umiikot at gumagamit sa tanggapan ni Gen. Albano  ay itong sina Tepang, Pining, Nestor at Mando Kalbo!

Imbestigahan!

ASBU sa Edsa sanhi

ng grabeng trapik!

– Report ko itong mga ASBU na nag-oopereyt dito sa Edsa Rockwell area kungsaan bottle neck yung lugar sa trapik, dun pa talaga sila pumupuwesto. Haba tuloy ng trapik, abot hanggang Boni. Parang walang mga isip, puro kotong lang naman ginagawa! Bwisit! – 09083965…

Yang ASBU ay under ng office of the mayor. Hindi na dapat pa nagkakaroon ng anti-smoke belching unit ang isang local government dahil may LTO na nagsasagawa ng smoke test tuwing magparehistro ng sasakyan. Sa totoo lang, kotong lang yang ASBU! Perwisyo yan sa mga motorista at nakasisira sa mayor! Buwagin na yang ASBU nyo, Mayor!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Jasmine Curtis-Smith John Lloyd Cruz Dahlia Erwna Heussaff Anne Curtis

Jasmine aminadong naiinggit kay Anne na mayroon ng Dahlia

RATED Rni Rommel Gonzales NAITANONG kay Jasmine Curtis-Smith kung ano ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Jeff Ortega sa …

GMA christmas station id 2024

GMA bosses, A Lister star pinagsama sa GMA Christmas Station ID

I-FLEXni Jun Nardo UMERE na  last Monday night ang GMA Christmas station ID. Pinagsama ang GMA …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *