Sunday , December 22 2024

Mayayaman lamang ang may bilang sa ating lipunan

ANG hindi magkamayaw na taong dumagsa sa ginawang “medical, relief at evangelical mission” ng pundamentalistang Iglesia ni Cristo (INC) noong isang linggo ay indikasyon ng kabiguan ng pamahalaan na tugunan ang pangunahing pangangailangan ng taong bayan.

Sa kabila ng ipinagyayabang na paglago umano ng ating ekonomiya ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ay malinaw sa mga taong du-magsa sa ginawang pagbibigay-limos ng INC na wala silang napapala sa sinasabing pagyaman ng bansa. Tanging ang mga mayayamang pamil-ya, ganid na kapitalista at pul-politiko ang nakiki-nabang sa yaman ng bansa.

Hindi dudumugin ng laksa-laksang tao ang medical missions, hindi lamang ng INC kundi ng iba na rin grupo, kung ang mamamayan ay hindi nangangailangan ng limos dahil sa labis na pag-hihikahos.  Masyado nang bumaba ang pamantayan natin na kahit mumo ay handa na nating tanggapin.

Walang ibang dapat sisihin sa nangyaring pagkakabuhol ng trapiko at pagkasuspinde ng klase sa mga paaralan noong Lunes na iyon kundi ang manhid na pamunuan ng pamahalaan, isang administrasyong ang mahalaga lamang ay ma-yayaman.

* * *

Matindi talaga ang kultura ng kawalang pananagutan (culture of impunity) sa mga pul-politiko’t pulisya at nagagawa nilang balewalain ang mga pinagtibay nang kasunduan.

Ang kulutrang ito ang nagtulak para tangkain ng mga elemento ng pambansang pulisya na malapit sa isang pul-politiko na dakipin ang dating pangulo ng National Press Club of the Philippines (NPC) na si Jerry Yap sa loob mismo ng compound ng NPC. Malinaw na hindi nila inalintana ang Memorandum of Agreement na pinirman ng NPC at ng pamahalaan.

Ayon sa kasunduang ito isang neutral ground ang compound ng NPC na hindi puwedeng pasukin ng mga sundalo at pulis para magpatupad ng search o arrest warrant. Ang kunduang ito ay kinikilala ng pamahalaan mula pa ng panahon ng diktadurang Marcos.

Ang protocol sa ganitong sitwasyon ay dadalhin ng awtoridad ang warrant sa tanggapan ng pangulo ng NPC upang gumawa ng hakbang kaugnay sa inihahaing mandamiento. Hindi nila puwedeng basta na lamang arestuhin ang kung sino sa loob ng NPC kaugnay ng libelo o ng kahit na ano pang kahalintulad na kaso.

Binastos nila ang kasunduan. Dapat papanagutin ang mga pulis at pul-politiko na gumawa ng pambabastos na ito.

* * *

Dapat sibakin sa trabaho ang dalawang empleyado sa Ninoy Aquino International Airport na nakunan habang naglalaro ng video games sa kabila ng dami ng taong naghihintay ng serbisyo sa ‘di kalayuan.

Hindi usapin na walang pila sa booth nila. Pag-aari ng pamahalaan ang mga computer at pera ng bayan ang ginagamit na pambayad sa kor-yente kaya ang mga computer ay panggamit opis-yal lamang. Walang ipinag-iba ‘yan sa paggamit ng sasakyan ng gobyerno para sa pribadong pangangailangan na mahigpit na ipinagbabawal ng batas.

* * *

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga isyu ng panahon ugaliing making sa podcastpilipinas.com/nelsonflores tuwing Huwebes alas nueve (9) hanggang alas diyes (10) ng gabi .

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *