DAPAT nang patunayan ng gobyernong Aquino na desidido sila sa pagsasampa ng kaso laban sa tiwaling tauhan o opisyales ng pamahalaan.
Ito ang dapat patunayan ng PNoy administration dahil hanggang ngayon ay hindi pa nakakasohan sa milyon-milyong PDAP si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na gumamit din ng isang NGO na kung tawagin ay KACI o Kaloocan Assitance Council Inc. na pinamumunuan ng isang Cenon, isang politiko rin sa lungsod.
Malinaw sa report ng COA na naglaaan si Malapitan, dating kinatawan sa Kongreso ng unang distrito ng Caloocan ng P25.3 milyon sa KACI na dapat niya itong ipaliwanag kung saan napunta.
Dapat din ipaliwanag ng KACI kung saan napunta ang mahigit sa P130 milyong PDAP na inilaan nina senador Juan Ponce Enrile, DILG Sec. Mar Roxas, dating Quezon City representative Bingbong Crisologo, dating Malabon-Navotas Rep. Alvin Sandoval, dating Caloocan Rep. Luis “Baby” Asistio at dating Cong. Mitch Cayajon ng Caloocan.
Malinaw sa datos ng COA na may paglabag na naganap sa paggamit nina Malapitan ng kanilang PDAP dahil lumabas sa pagtatasa ng COA na nagamit ang pork barrel nina Malapitan et al, sa salary at operational expenses ng KACI.
Lumabas din sa pagsusuri ng COA na mahigit sa kalahati ng naturang halaga na katumbas ng P50 milyon ang hindi pa na-liquidate nang maayos sa naturang NGO na dahilan kung bakit nagtatanong ang mamamayan.
Kitang-kita kasi na ang NGOs gaya ng kay Janet Lim Napoles ang lalagyan ng mga mambabatas ng kanilang pork barrel upang maging pera.
Lumabas sa pagtatasa ng COA na ang KACI ang pang-11 sa mga NGOs na nakaparte ng malaki sa PDAP ng mga mambabatas dahil uma-bot sa P130 milyon mahigit ang nakuha sa PDAP.
Ito ang dapat tutukan ng COA at DoJ dahil posibleng ang mga ari-arian na naipundar ay galing sa PDAP gaya na lamang ni Malapitan na napabalitang may mansion sa Don Antonio Subdivision sa Commonwealth Avenue,QC.
***
Legal na legal ang sugal sa Malabon City.
Kitang-kita sa lahat ng sulok ng lungsod ang mga naglipanang sugalan katulad ng sakla.
May patay o walang patay ay lantaran ang sakla kaya’t halatang-halata na may blessing ito ng pulsya at politiko sa lungsod.
Ito ang dapat tutukan ng DILG dahil malinaw na pambabastos ito sa PNP na hindi malaman kung desididio nga sa kampanya laban sa su-galan.
Alvin Feliciano