KUNG ang higaan o kama ay nasa worst feng shui direction at hindi maaaring baguhin ang pwesto nito, magiging malas na ba?
Hindi naman. Ang feng shui ay dapat na gamitin bilang kasangkapan sa pagpapabuti ng inyong buhay at kagali-ngan, hindi para magdulot ng komplikasyon sa inyong mga sarili.
Kung hindi mo maaaring baguhin ang posisyon ng iyong kama, huwag mo na lamang galawin. Tanggapin ito nang ganito na.
Mag-focus na lamang sa ilang mga paraan na magdudulot ng good feng shui energy sa iyong bedroom, mula sa sariwang hangin hanggang sa mainam na kulay at mainam na posis-yon ng furnitures para sa pinakamainam na pagdaloy ng enerhiya.
Maraming mga paraan para magamit ang enerhiya ng iyong best feng shui directions, katulad halimbawa, ikaw ay nakaharap sa best direction habang nagtatrabaho, o sa ibang lugar kung saan ka ma-tagal nang namamalagi.
Para sa mga hindi pamilyar sa nosyon ng best feng shui directions, kung batid n’yo ang inyong feng shui kua number, maaari n’yong mabatid ang inyong lucky at unlucky feng shui directions.
Base sa inyong petsa ng kapanganakan, ikaw ay mayroong four lucky directions at four unlucky directions. Ikaw ay maaaring nasa East o West group category.
Ang ibig sabihin ng lucky and unlucky feng shui directions, ikaw ay tatanggap ng mainam, higit na maswerteng enerhiya mula sa ilang directions, at hindi maswerteng enerhiya mula sa ibang directions. Kapag batid mo na ang iyong maswerteng feng shui directions, maaari ka nang mag-focus sa pagharap saan man posible.
Lady Choi