Sunday , January 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel Locsin at Phil Younghusband, hiwalay na?!

TILA uso yata ang hiwalayan ngayon sa mundo ng showbiz. Matapos mag-split recently nina Derek Ramsay at Cristine Reyes na umabot lang ng isang buwan ang relasyon, sumu-nod naman sa kanila sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano. Ngayon ay balitang-ba-lita naman na hiwalay na sina Angel Locsin at Phil Younghusband na umabot din ng higit isang taon ang relasyon.

Although hindi pa nagsasalita sina Angel at Phil, maraming fans ng dalawa ang nalungkot sa balitang ito.

Sa  kabilang  banda, may ilang netizens naman ang nagdududa sa balita at nagsasabi na posibleng gimik lang ang balitang ito, lalo’t wala pang kompirmasyon sa aktres at sa sikat na football player hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ayon pa sa ilang mga netizen, mayroon daw kasing bagong TV show si Angel ngayon sa ABS CBN, kaya kailangang mag-ingay para may mapag-usapan kay Angel.

Matatandaan sa mga nakaraang pahayag ni Angel sa mga panayam sa kanya, sina-bi ng Kapamilya aktres na umaasa siyang si Phil na ang lalaking makakatuluyan niya. Last May nga ng taon ito ay napabalita pang nag-propose na raw si Phil kay Angel.

Anyway, dapat ikatuwa naman ng fans ni Angel ang bagong drama series sa Dos ng kanilang idol na pinamagatang The Legal Wife. Maganda kasi ang line-up ng mga pangunahing stars dito. Bukod kay Angel, tampok din dito sina Jericho Rosales, Maja Salvador, at ang bagong lipat na si JC de Vera.

Ang The Legal Wife ay obra ng award-winning directors na sina Rory Quintos at Dado Lumibao. Bahagi pa rin ito ng patuloy na selebrasyon ng ika-60 anibersaryo ng tele-bisyon sa Filipinas.

Mga taga-Batangas, nabitin kina  Jake Cuenca  at Jessy Mendiola

NABITIN daw ang maraming Batangueño kina Jessy Mendiola at Jake Cuenca last Sunday nang nagkaroon ng mall show sa SM City Lipa, Batangas ang mga bituin ng drama series na Maria Mercedes.

Dinagsa ng maraming fans ang naturang mall show kaya matapos kumanta ang isa pang bituin ng Maria Mercedes na si Jason Abalos, nagpasya ang organizers ng show na huwag nang tapusin dahil sa posibleng untoward incident na mangyari.

Maaari raw kasing magkaroon dito ng stampede dahil sa rami ng tao. Pati ang mga glass windows daw ay muntikan na rin mabasag.

Bunsod ng pangyayari ay hindi na nakapag-perform pa sina Jake at Jessy.

Dahil sa pangyayaring ito, bumawi na lang sina Jake, Ja-son, at Jessy sa kanilang fans sa pamamagitan ng paghingi ng paumanhin sa mga taga-Batangas sa pamamagitan ng Instagram.

“Sorry Batangueños kung hindi na ako nakapagtanghal sa inyo. Mahal ko pa rin kayo. Mahal pa rin kayo ni MariaMercedes. Salamat sa inyong suporta at sa pagpunta para lang makita kami,” saad ni Jessy.

Ayon naman sa mga supporters nina Jake at Jessy, ang pangyayaring ito ay patunay lang na isa ang Maria Mercedes sa pinakamainit na drama series ngayon na sinusubaybayan ng maraming viewers.

Mapapanood ang Maria Mercedes pagkatapos ng isa pang pambatong show ng ABS CBN, ang Got To Believe na nagtatampok naman kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …