Sunday , December 22 2024

Subukan natin si Erap!

Evil will slay the wicked; the foes of the righteous will be condemned.—Psalm  34: 21

NAGHIHINTAY pa rin ang mga Kabarangay natin vendors kung kailan sila makababalik sa dati nilang mga puwestong pinagtitindahan sa Bonifacio Shrine sa Arroceros.

May apat na araw na kasi silang hindi nakapagtitinda mula nang itaboy sila nitong Biyernes ng mga taga- City hall upang bigyan-daan umano ang bagong mamamahala sa  kanila sa pagtatayo ng mga red tents sa bantayog ni Gat Andres Bonifacio.

***

DAHIL nangangamba  sila na baka hindi na makabalik sa dati nilang lugar at paboran ang mga dayong manininda mula sa Baclaran, Cainta, Marikina at iba pa.

Pero hawak pa rin nila ang pangako ng ating Presidente Erapna hindi sila paaalisin sa lugar, bagkus isasaayos lamang ang kanilang pagtitinda rito.

Naku, harinawa President Erap!

***

DAPAT kasi bigyang prayoridad ang mga vendor na taga-Maynila at hindi taga-ibang lugar.

Naniniwala naman tayo na pakikingan ni Presidente Erap ang kahilingan ito ng vendors na lehitimong mga botante ng Maynila. Maka-mahirap si Presidente Erap, hinding-hindi kayo itataboy sa ibang lugar. Pangako ‘yan ni Presidente Erap na kailanman ay hindi napapako.

Sabi nga n’ya: Wag nyo akong subukan!

SPO1 RICHIE DELA CRUZ,

IPATAPON SA MINDANAO!

HINDI natin tatantanan si SPO1 Richie dela Cruz hanggang hindi pa rin tumitigil sa paninira sa atin kaugnay sa pangongolekta ng ‘tong’ sa mga jeepney driver na dumaraan sa Jones bridge.

Tayo ang isinusumbong sa city hall kapag nagka-aberya sa kanyang mga pinaggagawang kawalanghiyaan sa ating nasasakupang barangay ang Plaza Lawton.

***

ANG inyong lingkod ang pilit na ipinatuturo sa mga alaga niyang jeepney barker kapag umano’y nagkabulilyaso ang kanyang raket sa mga jeepney drivers.

Kahit sa PCP Intramuros na nakadestino, dumarayo pa rin sa Lawton ang demonyong pulis upang magkalat ng kanyang baho. At bandang hapon, masusulyapan naman sa SM Manila.

Nagpapalamig ng kanyang yagbols!

***

HINDI pa talaga maka-recover ang walanghiyang pulis, makaraang sipain sa PCP Lawton kasama ang isang SPO1 Baltazar nang ibunyag natin ang pagmamantinte nila ng FXs terminal sa ilalim ng tulay ng Jones bridge.

Ngayon nalaman natin ang ginagawa niyang “raket” sa ating barangay, Gumagawa ng kataranduhan, pero sa atin sinisisi!

Kaya mga bossing, ipatapon na ‘yan si SPO1 Dela Cruz sa Mindanao!

BEWARE OF ALARMING TEXT MESSAGES

PUBLIC service muna tayo sa ating mga Kabarangay, huwag na huwag po kayo agad maniniwala sa mga ipinakakalat na text messages na may magaganap na lindol sa Metro Manila na kahalintulad sa naganap na pagyanig sa  Visayas na 7.2 magnitude.

Kapag nakatanggap ng mensahe, imbes i-forward ang nasabing SMS, mas makabubuti na burahin agad sa ating mga cellphone upang hindi na lumikha ng panic sa ating mga Kabarangay.

Ang maling impormasyon ay nakalilikha ng malaking takot sa publiko!

***

AYON na rin sa Phivolcs, walang sinoman ang nakaaalam na may magaganap na lindol, ibig sabihin walang advanced information na malalaman ang publiko na may paparating na lindol.

Hindi ito katulad ng bagyo na may storm weather report ang PAG-ASA bago pa tumama ang bagyo sa lupa—ang lindol, kailanman ay hindi predictable, kundi unpredictable ito sa lahat ng uri ng mga natural disaster/calamities.

Kaya,  beware mga Kabarangay!

CONDOLENCES  sa pamilya ni Mang Nato ang mabait na drayber ni Mayor Alfredo Lim. Yumao na kasi ang butihing Ina ni Mang Nato, kamakalawa.

Mahirap ang mawalan ng Ina, kaya naman taos puso tayong nakikidalamhati sa mga iniwang pamilya.

Mabalos!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 09323214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *