NANINIWALA si Justice (DoJ) Secretary Leila de Lima na walang epekto sa ginagawang imbestigasyon ng Supreme Court (SC) at ng NBI ang sinasabing paglabas ng bansa ni Arlene Angeles Lerma, sinasabing ‘court fixer’ at ‘decision broker’ sa hudikatura.
Kasunod na rin ito ng report ng Bureau of Immigration (BI) na nakalabas na ng bansa si Arlene nitong Oktubre 17.
Kaugnay nito, itinalaga ni De Lima si Undersecretary Jose Justiniano para i-monitor ang imbestigasyon ng NBI hinggil sa isyu.
Napag-alaman na si De Lima ay hands-off sa pagbusisi sa kaso matapos mag-inhibit ng kalihim sa imbestigasyon dahil sa mga nakabinbin niyang kaso sa Korte Suprema.
Nilinaw ng kalihim na ano man ang magiging rekomendasyon ng NBI sa kanilang imbestigasyon ay direkta pa rin itong isusumite kay SC Justice Leonen na nanguna sa binuong komite.
HATAW News Team