Sunday , December 22 2024

New Pasay Police Chief Sr/Supt. Mitch Filart ipinangongolekta na ni Sarhentong Palitaw!?

00 Bulabugin JSY

AKALA natin ay magtatago muna ang mga LINTEK na kolek-TONG sa Pasay City dahil sinibak na nga ang dating hepe na si Sr/Supt. RODOLFO LLORCA.

Pero MALING-MALI po ang ating AKALA…

Aba ‘e KAUUPO pa lang ni Sr/Supt. Mitch Filart bilang bagong hepe ng Pasay City Police ‘e biglang may LUMARGA na agad na kolek-TONG na isang alias SarhenTONG PALITAW.

Agad daw nirekoreda ang mga sugalan, putahan, vendors pati shabuhan pinasadahan para ipangalandakan na siya ang klekTONG ni KERNEL MITCH FILART.

Si SarhenTONG PALITAW ay nagpapakilalang TAONG TAAL ni KERNEL FILART  noong siya ay nasa Regional Investigation and Detective Management Division ng NCRPO.

Kaya siguro NAPAKATULIN mangolekTONG ni SarhenTONG PALITAW .

Paging KERNEL FILART, hindi naman tayo naniniwala na may bagman ka na kaagad d’yan sa bago mong position … pero mag-ingat ka pa rin.

Alam mo ba na ang kolekTONG ni bagman ALAN ASPILETA na P300K nakaraang Biyernes ay ginawa raw ‘PABAON?!’

O ayan Sir, ‘BUKOL’ kaagad ang NAPALA mo?!

By the way, totoo ba na sinabi mo na bawal ang media sa iyong opisina at walang kwenta ang media noong nag-command conference kayo?

Careful … careful …

HEALTH SEC. IKE ONA INUNA PA ANG LIFESTYLE NA RICH & FAMOUS?

DAANG matuwid pa nga ba ang tinatahak ng GABINETE ni PNOY?!

Aba, mantakin ninyong sinalanta ng 7.2 magnitude na lindol ang Bohol, Cebu at iba pang lalawigan sa Visaya at Mindanao pero si Health Secretary Enrique Ona na dapat ay isa mga maging concern sa naganap na sakuna ‘e nakuha pang magbiyahe sa BALESIN RESORT isang 6-star resort sa  Mauban, Quezon, katabi ng Polillo Islands.

Alam n’yo po bang ang BALESIN RESORT ay isa ngayon sa itinuturing na pinaka-hi-end resort sa bansa.

Trenta minutos lang mula sa Domestic Airport ang biyahe patungo rito sa pamamagitan ng charter plane.

Take note: CHARTER PLANE lang po ang pwedeng magdala sa inyo roon.

Kaya ibig sabihin, ang mga nakapupunta lang doon ay ‘yung talagang ‘RICH’ including foreigners na sa labas pa lang ng bansa ay nagpapa-BOOK na.

Nabisto lang na papunta roon si Secretary Ona nang mag-OVERSHOOT sa airstrip ng Balesin resort ang isang  charter plane nitong Sabado ng umaga.

Wala naman daw nasaktan sa 75 pasahero at crew ng eroplano. Kabilang sa mga pasahero sina RCBC chairwoman Helen Yuchengco-Dee and RCBC President Lorenzo Tan.

Habang si Secretray ONA ay biglang NAGLAHO …

Hehehehe … hindi kaya LUMUSOT sa bintana nang ngumuso ang eroplano sa karagatan?!

‘Yan na nga ba ang sinasabi natin … mabilis na ang KARMA ngayon, digital na 100 mbps pa.

Kasi naman imbes ang puntahan ‘e ‘yung mga nasalanta ng LINDOL sa BOHOL at CEBU, hayun gusto pang mapagpalamig-lamig sa BALESIN …nadamay pa tuloy ang bakasyon ng ibang pasahero …

Makapal rin ba ang mukha mo DOH Sec. Onat ‘este’ Ona?

Hak hak hak!

Sa paglutang ng pangalan ni Ma’am Arlene
LIFESTYLE CHECK NI CJ LOURDES SERENO AYAW NG SC JUSTICES

MAHIGPIT na tinututulan ng Supreme Court justices ang unilateral order ni Chief Justice Lourdes Sereno kay Justice Secretary Leila De Lima na atasan ang National Bureau of Investigation (NBI) para isailalim sila sa lifestyle check.

Umangal ang Supreme Court justices dahil mali nga naman na ang mag-imbestiga  sa kanila ay mga judge mula sa Regional Trial Courts (RTCs).

Hindi sila tutol sa LIFESTYLE CHECK pero ang dapat umano ay bumuo ng isang komite na magla-LIFESTYLE CHECK sa kanila.

Pabor sila sa binuong komite na pamumunuan ni Associate Justice Marvic Leonen at dalawa pang retired Supreme Court justices bilang miyembro.

Ibig sabihin, TAMANG PROSESO ang gusto ng mga Supreme Court juctices.

Pero sa ganang atin, mas dapat UNAHIN imbestigahan o i-LIFESTYLE CHECK ang mga OFFICE OF THE CLERK OF COURT (OCC)  dahil d’yan nagaganap ang sandamakmak na ‘AYUSAN’ na kinasasangkutan ng malakihang konsesyon.

‘E rito nga lang daw sa Maynila, ilang clerk of court ang kay gagara ng mga sasakyan o SUV.

D’yan nga raw nagkamal ng sandamakmak na yaman si Ma’am Arlene Angeles Lerma na walang negosyo at isang local employee lang, pero mayroong anak na nagpi-PILOTO sa labas ng bansa habang ang isang anak naman ay pa-YATE-YATE lang at kapag naisipang mag-abroad ay napakabilis nilang gawin.

Tunay na si Ma’am Arlene ay isang NAPOLES sa judiciary habang ka-liga naman ng kanyang anak na si JOSELLE ang anak ni Napoles na si Jeane.

Go Associate Justice LEONEN!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *