Friday , November 15 2024

Andres Bonifacio, unang pangulo ng bayan

SUPORTAHAN natin ang kilos ng mga makabayang historyador na ituwid ang tala ng ating kasaysayan upang itindig si Gat Andres Bonifacio bilang unang pangulo ng bayan.

Hitik sa ebidensya ang ating kasaysayan na magpapatunay na si Bonifacio, bukod sa kanyang pagiging tagapagtatag ng Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK-AnB) at ama ng Himagsikang 1896; ang siyang unang pangulo ng iwing bayan.

Mula nang mabisto ng mga Kastila ang lihim na kilusang KKK-AnB noong Agosto 1896 ay nagbagong- anyo ito mula sa pagiging sikreto tungo sa isang lantad na kilusang armado na naghahangad ng kalayaan para sa lahat ng mga naninirahan sa ating kapuluan. Pinangalanan niyang Haring Bayang Katagalugan (Sovereign Tagalog Republic) ang buong kapuluan at tinawag na Tagalog ang lahat ng naninirahan dito.

Maliban sa lantarang deklarasyon ng himagsikan at pagkalas mula sa pananakop ng Espanya na naganap sa Caloocan, ang mga akda ni Bonifacio at ng Katipunan ay mga ‘di mapapasubaliang patunay na ang layunin ng kilusan ay kalayaan. Ito ang malaking ipinagkaiba ng KKK-AnB sa kilusang propagandista nila Dr. Jose Rizal sa Europa na humihiling lamang ng representasyon sa parliamento ng Espanya na kung tawagin ay Cortez.

Bukod sa pagkalas natin mula sa laylayan ng mga kanluraning kolonisador, ang KKK-AnB ang kauna-unahang kilusan na tahasang kumilos para sa lahat ng mga naninirahan sa lupain ng Haring Bayang Katagalugan, mapa-Indio o Filipino man ito. Binasag ng mga pagkilos ni Bonifacio at ng KKK-AnB ang pagiging elitista ng uring Filipino at iniugat ito sa mas nakararaming mamamayan na kung tawagin ng mga Kastila ay Indio.

Pansinin na noong mga panahong iyon ang ibig sabihin ng Filipino ay limitado lamang sa mga Kastilang ipinanganak sa kapuluan, mga mestizong Kastila’t Intsik at mayayamang Indio. Si Bonifacio at ang KKK-AnB ang unang mga sumaklaw sa lahat ng mga taga-kapuluan bilang isang lipi. Iyon ang kagandahan ng kilusan na itinatag ng bayani.

Ang opisyal pagdedeklara ng kasalukuyang administrasyong Aquino at kongreso kay Bonifacio bilang unang pangulo ng bayan ang pinakamagandang regalo ng ating lahi sa okasyon nang paggunita sa ika-150 taon kapanganakan sa darating na Nobyembre 30 ng ama ng bayan. Ito rin ay isang makasaysayan at makatarungang pagtutuwid sa kamalian sa ating kasaysayan.

* * *

Sa mga nagsasabing mahinang manunulat at lider-militar si Bonifacio, ito ang totoo.

Ang mga akda ni Bonifacio tulad halimbawa ng tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ay higit na naintindihan ng mas marami nating kababayan sapagkat ito ay nakasulat sa ating sariling wika kompara halimbawa sa karamihan ng akda ni Dr. Rizal na nakasulat sa wikang Espanyol.

Si Bonifacio ay mahusay na gerilyero at nagsilbing dahilan kung kaya nagtagumpay ang puwersa ni Emilio Aguinaldo sa Cavite. Sa katunayan matapos ipapatay si Bonifacio ni Aguinaldo ay nag-umpisa siyang matalo sa mga labanan sa Cavite hanggang masukol siya sa bayan ng Biak na Bato sa Bulacan, kung saan ibinenta niya ang rebolusyong inumpisahan ng unang pangulo ng bayan.

* * *

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga isyu ng panahon ugaliing making sa podcastpilipinas.com/nelsonflores tuwing Huwebes alas nueve (9) hanggang alas diyes (10) ng gabi .

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

GMA christmas station id 2024

GMA bosses, A Lister star pinagsama sa GMA Christmas Station ID

I-FLEXni Jun Nardo UMERE na  last Monday night ang GMA Christmas station ID. Pinagsama ang GMA …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *