Saturday , May 10 2025

67-anyos lola utas sa motor

TODAS habang isinusugod sa pagamutan ang 67-anyos lola dahil sa bundol ng kaskaserong drayber ng motorsiklo kamakalawa ng umaga sa C-5 by-pass Road, Marikina City.

Kinilala ni P/SSupt. Reynaldo Jagmis, ang biktimang si Remedios Brazil, 67-anyos, ng 86 O. de Guzman St., Barangay Industrial Valley Complex (IVC) habang naaresto naman ang suspek na si Mark Gerente, 24, binata, bar tender ng 557 Boulivar St., Phase 10, Bankers Village, Guitnang Bayan I, San Mateo, Rizal.

Sa imbestigasyon ni P03 Celestino Foronda, dakong 10:00 ng umaga nang mangyari ang aksidente sa Industrial Valley sa lungsod.

Sa lakas ng impak, pumalo ang ulo ng matanda na agad din naisugod sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center pero binawian ng buhay 4:30 ng hapon at idineklarang patay ni Dr. Marek Ibañez.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isinampang kaso laban sa suspek na nakakulong sa Marikina City Police detention cell.

(Ed Moreno)

About hataw tabloid

Check Also

TRABAHO Partylist

TRABAHO Partylist, patuloy na isinusulong TUPAD Program ng DOLE para sa marginalized at vulnerable sectors

MULING pinagtibay ng TRABAHO Partylist ang suporta nito sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers …

Carlo Aguilar

Carlo Aguilar: Basurero, Kaagapay sa Kalinisan sa panunungkulan seguradong may hazard pay

NANGAKO si Las Piñas mayoral candidate at dating number one city councilor Carlo Aguilar na …

Juan Pinoy Partylist

Juan Pinoy Partylist: Tunay na serbisyo, abot-kamay na malasakit para sa mamamayan

SA PANAHONG marami pa rin Filipino ang hirap makakuha ng batayang serbisyo, tumitindig ang Juan …

Dianne Nieto

Dra. Dianne Nieto: Serbisyong Totoo para sa Distrito Kuwatro

SI DRA. DIANNE NIETO ay isang masipag at maaasahang doktor na matagal nang naglilingkod sa …

Abby Binay Nancy Binay

Abby Binay ‘much better’ matalo sa Senado kaysa manalo si Nancy sa Makati

TILA ‘much better’ pa kay Mayor Abby Binay na matalo sa Senado at mabigong makapasok …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *