Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kampanya Sa Brgy. Election

WALONG araw nalang eleksyon na sa barangay.

Ito na ang pagkakataon para makapili tayo ng mga matitinong mamumuno sa ating komunidad.

Ang mga re-electionist na kandidato na walang ginawa kundi ang magmintina ng mga iligal, bisyo lalo droga, -abuso at pagbulsa sa pondo ng barangay, huwag nyo nang iboto pa! Dahil kapag binigyan nyo uli sila ng pagkakataon, tatlong taon na naman silang magpapasasa sa kapangyarihan.

Siguradong kilala nyo narin naman ang mga kumakandidato sa inyong barangay. Kaya nasa inyong mga kamay na ang pagpili sa kanila.

Laging tandaan: Nakasalalay sa barangay officials -laluna sa tserman ang katahimikan, kaayusan at pag-unlad ng isang komunidad. Kaya piliing mabuti at kilatising maige ang -inyong mga ihahalal sa Oktubre 28.

Mabuhay ang barangayan!

Pulis kotong sa Las PiÑas

– Parating ko lang po sa mayor ng Las Pinas na sana ay naaksiyunan ang pangongotong ng 2 pulis dyan sa Brgy. Daniel Fajardo. Yung mga pulis na ito ay sina Molendo at Oasas o Oasis ba yun. Sobra po sila mangotong sa mga naka-motor. Ako po two times nya nakotongan e. Salamat po. Sana mabasa ito ng mayor ng Las Pinas. – 0927694….

Pulis na pusher/user

sa Dasma, Cavite

– Parating ko po sa hepe ng Dasmarinas, Cavite Police. Meron po kasing isang pulis na namamayagpag dito sa lugar ng Dasmarinas. Pero hindi po sa kagitingan sa paghuli sa mga kriminal o masasamang-loob na dapat niyang ginagawa, kundi sa pangunguna sa mga iligal na gawain dito tulad ng pusher at user pa po siya ng ipinagbabawal na gamot. Sa katunayan nga po ay pugad ng mga adik ang tahanan niya. Hindi na nahiya… lalo lang binabahiran ng dumi ang imahe ng kapulisan. Ang tinutukoy ko po ay si PO1 Bracil. Bukod po sa drugs, marami pa siyang iligal na mga transaksyon. Grabe po talaga ‘bumatak’ ang pulis na ito. Perwisyo sya sa aming lugar. Salamat po. – Concerned citizen

Tongpats pagkatapos ng

100 days ni Mayor Erap

– Sir, report ko ang tongpats ng mga taga-police headquarters (Manila Police District). Ito ay ang DPIOU, SOT, SOTI, DIID, DID, Taskforce saka Station 3. Weekly po yan kinukuha sa amin dito sa Quezon Blvd., Quiapo. Ang “kargado” po nila isang “Tata Jumong” na isang pulis sa headquarters ng MPD. Kaya wala na talaga kami kinikita sa -aming pagtitinda dahil sa dami po ng tongpats sa mga pulis. Wala po nangyari sa programa ni Mayor Erap na walang kotong, tapos na 100 days. – 0929748….

‘Jimboy’ kolektong

sa Plaza Miranda

– Report ko po yung kolektor ng Plaza Miranda. Grabe po manakot at magmura sa mga vendor. Jimboy po ang -pangalan. Napakawalanghiya. Kala ko po ba wala nang kolektor ngayon? Sana po malaman ni Col. Aniceto ang pinaggagawa niya. Ang amo po nya ay si “Tata Butz”. -Huwag nyo po ilabas numero ko baka ipatumba nila ako. Kasi napaka-demonyo nyan.  – Concerned vendor

Pangongotong

ng mga opisyales ng MCH-PRB

– Report ko po ang grabeng paniningil dito ng dalawang empleyado ng Manila City Hall na nakatalaga sa PRB (Public Recreations Bureau). Dito po sa Delpan Sports Complex ganap po ang paniningil ng dalawang ito sa aming mga naglalaro dito. Kasi po pag di kami magbayad ng P500 bawat laro di kami makalaro. Sila sina Nenita at Ester. – 0910218…

Kung may opisyal na resibo ang binayaran ninyo, ligal  yan. Pero kung walang resibo, sa bulsa lang nila yan. Patay sila dyan!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …