ANG black color ay puno ng feng shui energy ng misteryo at sopistikasyon; ito ay humahawak ng enerhiya ng power at proteksyon. Ang kulay ng gabi, malalim na tubig at universal void, sa paggamit ng color black ay nagdaragdag ng lalim, tatag at kahulugan ng ano mang espasyo.
Sa feng shui, ang black color ay nabibilang sa element ng Water, direksyon ng North, at ito ang kulay ng Yin, o feminine, passive energy ng feng shui Yin-Yang combination.
Bagama’t ito ay naghahatid nang mabigat na pakiramdam kung gagamitin sa large proportions, ang black color ay kailangang feng shui grounding element sa ano mang décor. Ito ay maaaring gamitin nang katamtaman upang maidiin ang iba pang feng shui colors at magdudulot ng lakas at presensya sa ano mang kwarto.
Maaaring gamitin sa sumusunod na feng shui areas ng Bagua: North (Water), East (Wood) at Southeast (Wood). Iwasan ang black sa South (Fire) area ng inyong space, at gamitin nang katamtaman sa children’s room, gayundin sa main entry at kitchen and dining.
Dahil ang black color ay nagdudulot ng feng shui energy ng grounding ang stability, ito ay mainam gamitin sa labas nang hindi higit na mataas sa eye level (hindi ito applicable sa commercial o retail spaces).
Bilang Water element color, ang itim ay maaaring maging powerful feng shui cure na maaaring gamitin sa North area ng inyong space upang makahikayat ng career opportunies.
Maaaring gumamit ng black color sa furniture, black and white photos sa black frames, o salamin (na water energy rin) sa black frame.
Lady Choi