PERHUWISYO ang inaabot ngayon ng mga residente ng Parañaque City lalo na ng mga guro at mag-aaral na malapit d’yan sa Kabihasnan Exit sa Coastal Road dahil libreng-libre nilang nasisinghot ang BANTOT mula sa nakasusulasok na amoy ng pinaghalo-halong basura.
Ginawa kasing dumpsite ng LEONEL WASTE CO., ang isang solar malapit sa Parañaque Central Elementary School.
Kung dati ay Maynila lang ang sineserbisyohan ng Leonel Waste Co., ngayon pati Parañaque ay sakop na niya.
Ibig sabihin, lumalawak ang negosyo ng Leonel Waste Co., ni Totoy.
Ang masama nga lang, habang lumalaki ang kita ng kompanya ay lumalaki ang perhuwisyong nagagawa nila sa mga komunidad.
Katulad n’yan mukhang walang pakialam ang
Leonel sa BANTOT na nasisinghot ng mga estudyante at mga guro mula sa kanilang dumpsite.
Alam na alam nila kung ano ang mga sakit na nakukuha sa AIR POLLUTION mula sa basura.
Nariyan ang pulmonary tuberculosis (PTB), asthma, skin allergy, respiratory tract infection, bukod pa sa pinagbabahayan pa ‘yan ng langaw, daga, ipis at kung ano-ano pang insekto.
Nanawagan ang mga guro, magulang at estudyante kay Parañaque City Mayor EDWIN OLIVAREZ na solusyonan ang problemang ito dahil malaking perhuwisyo ito sa kalusugan ng mga mamamayan ng Parañaque.
Aksyon, Mayor Edwin Olivarez!
HINDI LANG SSS OFFICIALS ANG MAY MILYON-MILYONES NA BONUS PATI GSIS DIN
SABI ng GSIS, “Maaasahan ng Lingkod Bayan.”
Ibig sabihin po n’yan ‘yung mga PUBLIC SERVANT … kasama na ang mga guro, mga doctor, nurses, attendants, maintenance sa pampublikong ospital, at iba pang serbisyo publiko.
Gusto ko lang bigyang-diin na kahit napakalaki ng kakulangan sa empleyado (under staff) sa public sector lalo na sa mga ahensiya na may kinalaman sa edukasyon at kalusugan, e marami rin ang nakaliligtaan na bigyan ng tamang kompensasyon at insentibo.
Gaya nga ng isyu ngayon sa SSS na milyon-milyones ang tinanggap na BONUS ng makakapal ang mukha na opisyales. Habang ‘yung mga miyembro at pensioner ay hirap na hirap makakuha ng benepisyong nakalaan sa kanila mula sa nasabing ahensiya.
Kumbaga, bayad nang bayad lang ang miyembro, pero pagdating ng oras na kakailanganin na nila ang serbisyo ng nasabing ahensiya, wala lang …waiting ka muna… as in zero … walang epek.
‘Yun pala ganyan din ang kalagayan ng mga miyembro ng GSIS.
Ang bonus ng GSIS Board of Kapalmuks ‘este’ Directors ay umabot naman sa P10.448 milyon.
Grabe naman talaga kakapal ng mukha ng mga opisyal na ‘yan!
Akala natin e natapos na ‘yan maling kalakaran nang mawala si WINSTON GARCIA sa GSIS.
Hindi pa pala…
Meron pa palang natirang mga LINTA!
Hindi man lang kayo tinamaan ng hiya. Pakengsyet!!!
Lahat na nga ng perks and privileges sa GSIS ‘e mga opisyal ang unang nakakatamasa ‘e, pagkatapos ang BONUS ninyo mas malaki pa sa mga miyembrong regular na nagbabayad ng premium nila.
Malamang hindi lang BONUS. Maski sweldo ng mga GAHAMAN na ‘yan tiyak na tiyak na ABOVE BOARD.
Majority ng mga opisyal at empleyado ng GSIS ay mayroong mga sariling bahay mula sa LOAN nila sa GSIS pero halos 50 porsiyento ng miyembro ng GSIS na regular na nagbabayad ng kanilang premium ay walang sariling bahay at nangungupahan lamang kung saan-saan.
Dapat talaga kayong IPROTESTA hangga’t hindi ninyo IBINABALIK ang labis-labis na bonuses na natanggap ninyo.
HOY ISOLI n’yo ‘yan! ANG KAKAPAL NINYO!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com