Monday , January 6 2025

Barangay Election 2013

Karapatan ng bawat Pilipino ang makaboto.

Isang  linggo na lamang at magkakaroon na naman po ng Barangay Election sa Pilipinas. Sa Oktubre 28, sa susunod na Lunes ay maghahalal po tayong muli ng ating mga mamumuno sa ating baranggay.

Ayon po sa Proklamasyon 656 na ipinalabas ng ating Pangulong Benigno Aquino III noong ika-25 ng nakaraang buwan ay idineklarang special non-working holiday ang Oktubre 28 dahil mahalagang mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng botanteng Pilipino na magampanan ang kanilang karapatang bumoto.

Ang inyong kasundaluhan at mga pulis, katulad ng iba pang ahensya ng gobyerno ay nagnanais na makatiyak ng isang mapayapang eleksyon kung kaya ipinatutupad ang pagbabawal ng pagdadala ng baril o gun ban simula pa noong Setyembre 28. Ang batas na ito ay napapaloob sa Resolution 9561-A o ang Rules and Regulations on: (1) The Ban on Bearing, Carrying or Transporting of Firearms or Other Deadly Weapons; and (2) The Employment, Availment or Engagement of the Services of Security Personnel or Bodyguards during the Election Period for The May 13, 2013 Automated Synchronized National, Local Elections And ARMM Regional Elections, as Amended.

Ang gun ban po ay ipinapatupad 30 araw bago ang eleksyon at 15 araw matapos makaboto ang mahigit 54 na milyong Pilipino. Ito ay upang matiyak ang seguridad hindi lamang ng mga kandidato kundi maging ng mga Pilipinong boboto.

Samantala, nagsimula na po noong Oktubre 11 ang Filing of Certificate of Candidacy (COC) ng mga kandidato at ito po ay tumagal hanggang Oktubre 17. Noong Biyernes naman po ang simula ng campaign period at ito ay tatagal hanggang Oktubre 26.

Sinabi naman ni Comelec Commissioner Robert Christian Lim na maaaring makita sa kanilang website ang listahan ng mga punong baranggay at kagawad na nakatatlong termino na sa serbisyo. Kung ang inyong punong baranggay at mga kagawad ay nakatatlong magkakasunod na termino na sa kanyang posisyon, sila po ay wala ng kakayahang tumakbo sa parehong posisyon sa darating na eleksyon.

Bilang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan, nararapat na siguraduhin na dito pa lamang ay magsisimula na ang pagbibigay ng tapat na serbisyo publiko ng mga mananalong kandidato. Panatilihin po nating matiwasay, malinis, may kredibilidad, at episyente ang ating eleksyon.

Bumoto ng tama at huwag magpasilaw sa anumang panandaliang luhong ibibigay ng mga kandidatong paniguradong pansarili lamang ang iisipin kung sakaling sila ay mananalo. Sa ating mga ibobotong kandidato nakasalalay ang magiging kinabukasan ng ating bansa. Ibigay po natin ang ating malinis na hangarin at buong pusong suporta upang tayo po ay magkaroon ng tapat at mapayapang eleksyon.

Gerry Zamudio

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino POC

POC naghahanda para sa unang medalya sa Winter Olympics sa Harbin Games – Tolentino

MAGPAPADALA Ang bansa ng 20-miyembrong koponan sa ika-siyam na edisyon ng Asian Winter Games na …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, nakapagtala ng panibagong record  
HIGIT 267,000 MATERYALES NIREBYU SA LOOB NG 2024

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA LAYUNING mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang lahat ng …

Moira dela Torre

Moira lumamlam na ang career, binitiwan na ng Cornerstone

MA at PAni Rommel Placente IPINAGTATAKA ng mga netizen ang tila paglamlam ng career ni …

Jennylyn Mercado Dennis Trillo Green Bones

Jen grabe ang iyak nang mapanood ang Green Bones

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD na namin ang pelikulang Green Bones na pinagbibidahan nina …

Arjo Atayde Julia Montes Sid Lucero Topakk

Topakk nadagdagan ng sinehan

MATABILni John Fontanilla HABANG patuloy na ipinalalabas sa mga sinehan ang pelikulang Topakk na entry …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *