Sunday , December 22 2024

‘Yan ang tama Kap. Banjo!

NAG-UMPISA na pala ang kampanya para sa barangay election.

Hayan na naman po …kaliwa’t kanan kalat na naman ang peperhuwisyo sa atin – mga basurahan ng mga kandidato.

Nand’yan kasi iyong walang pakialam ang mga supporter ng mga kandidato sa paglalagay ng posters, tarpaulins at stickers ng kanilang mga kandidato. Kung saan-saan nila ito pinagpapaskil na sa bandang huli ang magiging kawawa ay ang mamamayan.

Sa totoo lang, wala akong masyadong paki sa barangay election at lalong hindi ko rin iniisip kung kailan mag-uumpisa ang kampanya ngunit batid ko na sa Oktubre 28 na ang halalan/botohan.

Pero nag-umpisa kahapon ang kampanya at nalaman ko lang ito dahil may nakita na akong naglalagay ng mga poster ng kani-kanilang kandidato.

Madalas, hindi ako natutuwa kapag nalalapit ang halalan dahil sa mga kalat. Kung saan-saan kasi ipinapaskil ang mga poster/sticker.

Naaasar ako dahil maging ang mga pribadong lugar, pader ng bahay mo o gate ay pinapaskilan ng mga election paraphernalia. Hindi po ba nakaaasar iyon.  Napakasama at maruming tingnan at sa bandang huli at ikaw o tayo pa ang pahihirapan na magtanggal nito.

Pero kahapon, sa kauna-unahang pagkakataon ay natuwa ako sa mga umiikot na supporter ng isang kanditado sa aming barangay – Pasong Tamo, Quezon City.

Disiplinado ang mga supporter ni incumbent barangay chairman Banjo Pilar. Bakit ko nasabi ito. Paano kasi, for the first na nangyari o naranasan ko ito. Nagpaalam muna iyong dalawang lalaki.

Tinanong muna ako kung puwede ba raw sila maglagay ng poster/tarpaulin sa dalawang poste at puno ng niyog sa harapan ng bahay.

Nagulat at nagtaka ako dahil nga nagpaalam sila sa akin. Madalas kasi ang nangyayari – sa mga nagdaang iba’t ibang halalan. Paggising ko sa umaga at paglabas ng bahay at gate, aba’y sira ang araw ko dahil puno na ng mga kung ano-anong election paraphernalia ang harapan ng bahay. Biruin mo, lilinisin mo iyon.

Pero kahapon, natuwa naman ako sa mga “bataan’ ni Pilar. Nagpaalam muna sila. Iyon nga lang ay hindi pa rin ako pumayag. Pasensya na Kapitan.

Hayun, maayos naman umalis at nagpasalamat pa rin ang dalawang lalaki.

Makaraan ang isang oras, habang papalabas naman ako ng gate para ihatid sa eskuwelahan ang dalawa kong mapagmahal na anak, sina AA at Tea, tatlong ginang naman ang lumapit sa inyong lingkod.

“Sir, puwede po ba kaming maglagay ng sticker ni Kapitan sa gate niyo,” pagpapaalam ng isa sa tatlong ale.

Sa kabila pa rin ng maayos na pagpapaalam, hindi pa rin ako pumayag.

Hindi sa ayaw ko kay Kapitan Pilar kundi dahil talagang ayaw ko lang may maglalagay ng kung ano-anong “basura” sa pader at gate namin.

Katunayan, iyan din ang gagawin ko sa kung sino man ang magiging katunggali ni Kap. Pilar. Huwag lang nila ako malusutan dahil ako mismo ang mangangampanya sa kanila na huwag silang iboto. Oo na huwag iboto ang mga kandidatong burara.

Hayun, nang hindi ko pagbigyan ng tatlong ale, hindi naman sila nagalit at sa halip ay nakangiti lang din sila kasabay ng pagsasabi ng salamat po sir.

Hanep ‘ika ko. Ayos ‘yon ha. For the first time ito ha. Nagpapaalam muna sila bago magpaskil ng kung ano-ano. Galing n’yo. Sana ganoon din ang mga supporter ng mga kandidato ngayon saan man lupalop ng bansa.

Pero kung susuriin. Bakit ganoon na lamang kadisiplina itong mga naglalagay o nagpapaskil ng posters/sticker ni Kap. Pilar?

Isa lang ang ibig sabihin nito. They were well-oriented.

Lumalabas nga na bago sumugod sa “giyera” ang mga “bataan” ni Pilar, masasabing walang pagkukulang si Kapitan sa kanyang supporters. Makikitang kanyang sinabihan nang maayos ang kanyang supporters na maging makatao sa mamamayan ng Pasong Tamo, maging makatao sa paglalagay ng posters/stickers, maging makatao – magpaalam muna na kung sakaling ayaw ng may-ari ng bahay ay huwag ipilit ang paglalagay ng posters/stickers at magpasalamat pa rin.

Iyan ang aking konklusyon na nakikitang ginawa muna ni Kap. Pilar sa kanyang mga “bataan” bago lumabas sa lansangan.

Ayos iyan Kap. Pilar! Sana lahat ng mga kandidato ay tulad mo!

Kudos sa iyo Kapitan lalo sa inyong mga suporter pero sana silang lahat ay ganito. Bukod dito, sana rin – pagkatapos ng halalan, manalo o matalo ay kayong mga kandidato ang siyang maglilinis sa inyong basura.

•••

Para sa inyong komento, suhestiyon at reklamo, magtext lang sa 09194212599.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *