Friday , November 15 2024

Senado – nababoy na institusyon

SA takbo ng mga pangyayaring umano’y anomalya na kinasasangkutan ng mga senador tungkol sa “pork barrel” na tinatawag nilang “Priority Development Assistance Fund (PDAF)” at nitong huli ay ang sinasabing “Disbursement Acceleration Program” ay masasabi nating ang Senado sa kanyang kabuuan ay isa nang “damaged institution” dahil halos lahat sila ay tumatanggap ng nabanggit na pondo at siyempre pa, ang impresyon ng marami, kinapapangyarihan din ng mga anomalya.

Isipin na lang natin kung ang karamihan sa mga senador ay makakasuhan ng “plunder” o kaya’y malversation of public fund” sa Ombudsman (walang piyansa ang mga ito) mas malamang na lumiit ang bilang nila sa Senado at ang Pilipinas ay mababantog sa buong mundo sa pangyayaring ito.

Nawala na ang mga panahon na ang Senado ay kinabibilangan ng mga respetadong senador na tulad nila Claro M. Recto, Camilo Osias, Lorenzo Tañada, “Soc” Rodrigo at marami pang iba na tulad nila ang kalibre at hindi matatawaran ang integridad. Noon ay wala pa silang “pork barrel.” Pero sa ngayon na ang senado ay kinabibilangan ng ilang mga artista at ibang mababa ang kalibre. Idagdag pa natin ang pagkaka-imbento ng PDAF, ay maitatanong natin – ano nang klaseng institusyon ito?

KAPANSIN-PANSING MGA SALITA

“MAY REKLAMO KA?” – tumawag sa LTFRB, etc…etc…iyan ang mga salita na nakasulat sa likod ng mga pampublikong sasakyan. Hindi ba parang siga ang dating? Hindi ba parang naghahamon ng suntukan?

“MAG-INGAT SA MGA FIXER, HUWAG MAKIKIPAG-TRANSAKSIYON SA KANILA.” Ang mga salitang iyan ang mababasa naman natin sa Land Transportation Office (LTO) at sa ilan pang mga tanggapan ng gobyerno. Ang ibang kahulugan ng mga salitang iyan ay … “MAY MGA FIXER SA PALIGID NG TANGGAPANG ITO. SA AMIN KAYO MAKIPAG-TRANSAKSIYON, HUWAG SA KANILA.”  Alam n’yo palang maraming fixer, bakit hindi ninyo hulihin? Bakit hinahayaan ninyong pagala-gala sila sa tanggapan ninyo?

“MAG-INGAT SA LUGAR NA ITO, MARAMING HOLDAPER AT SNATCHER”…Marami pala, bakit hindi ninyo hulihin. Para bang sinabi na … “Bahala na lang kayong mag-ingat. Wala na kaming magagawa riyan. Hindi namin mahuli ‘e. Hindi ba katawa-tawa iyan?

“ANG PANINIGARILYO AY MAPANGANIB SA INYONG KALUSUGAN.” May mga babala pa na lalong nakatatakot gaya ng … “ANG PANINIGARILYO AY NAKAMAMATAY.” Ang mga babalang iyan ay mula sa gobyerno. Mapanganib pala sa kalusugan. Nakamamatay pala, bakit ninyo pinapayagan na ibenta iyan sa mga tindahan? Bakit hindi ninyo ganap na ipagbawal ang paggawa ng sigarilyo? Nasaan ang “consistency?”

Binabati natin si EDWIN BENAVIDEZ ng Las Piñas City, at si NOEL BINUYA ng Murphy, Quezon City.

ni Peter Talastas

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *