Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah, in-love nga ba o hindi kay Matteo?

HINDI malaman ni Sarah Geronimo kung paano niya iiwasan ang pagsagot sa mga “ipinu-push” na tanong ng press tungkol sa kanila ni Matteo Guidicelli.

Tinanong si Sarah kung magiging guest ba niya si Matteo sa kanyang concerts.

“Ayaw na ayaw ko na po dumipende sa lalaki…alam niyo na po ‘yun..”

So ano ang real score sa kanila?

“Pasensya na po. Ayaw ko na po talaga pag-usapan ‘yan.”

At may nag-agree nga na ganito rin ang nasabi ni Matteo na ayaw pag-usapan ang personal life niya, lalo na ang love life. Pinag-usapan daw ba nila ito?

“Tulad po ng sabi ko, iba pa rin talaga when you keep things in private. Ayaw ko po matulad sa iba. Lahat may say. Lahat may alam. Pero hindi naman nila alam talaga. Anuman po ang mayroon sa amin, sa amin na lang pong dalawa ‘yun. Lalabas at lalabas din naman po ‘yan. Hindi ko naman kasi kailangan pang sabihin (in high pitch!) na ‘I’m sooooo in love!”

Finally-may lumusot na malinaw-linaw na sagot.

Samantala, kung isa-sum up naman daw ng Popstar Princess ang kanyang 10 years in the business-perfect ito with its flaws and imperfections dahil dito siya natutong maging strong. At naranasan na rin niya ang mga heartbreak hindi lang sa puso kundi sa iba pang mga bagay.

Ngayon ayon kay Sarah, she’s still doing her best to find her own voice!

Perfect!

Sam, sasabak sa heavy drama sa MMK

SI Sam Concepcion naman ang magbibida sa special episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya) ngayong Sabado, October 19.

masipag at matalinong estudyante ang karakter ni Carlos na ginagampanan ni Sam. Na nagpupursige ring isabay ang pagtatrabaho sa kanyang pag-aaral para maitaguyod ang mga mahal sa buhay.

Pero ang tila nagsisilbing tinik pa sa pag-abot sa kanyang mga pangarap eh, ang mismong pamilya niya dahil walang bilib ang mga ito sa kakayahan niya.

Kasama ni Sam sa naturang episode sina Maliksi Morales, Yam Concepcion, Rio Locsin, at Jestoni Alarcon. Ito ay sa direksiyon ni Raz dela Torre, saliksik ni Agatha Lee Ruadap, at iskrip ni Benson Logronio.

Pilat Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …