Sunday , December 22 2024

OMB order ‘dedma’ sa DILG-5?

JUSTICE delayed is justice denied!

Ito ang sa loobin ng mga residente ng Sta. Magdalena, Sorsogon, dahil sa hindi pagtupad ng mga naatasang opis-yal ng Department of the Interior and Local Government – Region 5 sa kautusan ng Ombudsman na mai-serve ang dismissal order for grave misconduct kay Mayor Alejandro Gamos.

Sa isang pagsisiyasat, noong Setyembre 23 (2013) pa lamang sumubok na tumungo sa munisipyo ng Sta. Magdalena ang DILG-5 officers, na pinamumunuan ni Regional Director BlandinoMaceda, para ihain ang dismissal order sa punongbayan. Ang kautusan, na pinagtibay ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, ay lumabas para aksyonan noon pang buwan ng Agosto. Nakasaad sa order na da-pat maisakatuparan ito “upon receipt thereof pursuant to Section 7, Rule III of Administrative Order (AO) 07 as amended by AO 17 (Ombudsman Rules of Procedure) and promptly inform this office of the action taken hereon.”

Ayon sa mga nakasaksi, dumating ang DILG-5 legal officer na si Atty. Arnaldo Escober, kasama ang DILG-Sorsogon OIC at mga kagawad ng pulisya, pasado alas-3 ng hapon noong Setyembre 23 sa bisinidad ng municipal hall. Sa nadatnang mga supporters ni Gamos na nakapalibot sa lugar at ‘di mahagilap dahil “out of town” umano.

Hindi man lang gumugol ng oras para maki-pag-coordinate ang mga order implementers  sa iba pang opisyal ng bayan, idinahilang ipagpaliban ang paghahain ng Ombudsman order para raw maiwasan ang “maaa-ring kaguluhang” maganap.

Ang lalong ikinadesmaya ng mga mamama-yan ay nang malamang yaong pagpapaliban ng pagsi-serve ng dismissal order ang naging dahilan para hindi na maulit ito.

Indikasyon na maluwag ang pagbibigay importansiya ng DILG-5 sa tungkuling iniatang sa kanilang DILG Main at ng Ombudsman. Naging pa-laisipan tuloy sa mga taong gusto ng pagbababago na baka may malakas na ‘padrino’  na marunong sa “delaying tactics” ang mayor.

Sa kabila nito, umaasa pa rin ang mga Magdalenians na maipatupad ng DILG ang iniatas ng Ombudsman na idismis sa serbisyo si Gamos para sa ikatitiwasay at ikauunlad ng 5th class municipality na Sta. Mag-dalena.

Matatandaan nag-ugat ang dismissal order ng Ombudsman nang mapatunayang nagkamal si Mayor Gamos at dalawang iba pa ng P8.207 milyon dahil sa kanilang “52 cash advances” simula Agosto 2004 hanggang Oktubre 2007 sa kaban ng ba-yan ng Sta. Magdalena.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *