Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

NBI pinakamatatag na law enforcement agency

NAKITA naman natin kung paano magtrabaho ang NBI dahil na rin sa kautusan ni Pangulong Noynoy Aquino kay Secretary Leila De Lima at NBI na kasuhan at paimbestigahan ‘yung mga fixer sa mga  justices at mga prosecutor na mga kasabwat ni Janet Lim Napoles.

Diyan natin makikita kung gaano katatag ang NBI.

Kaya pinapapurihan natin si OIC NBI Director na si Atty. Medardo De Lemos at lahat ng Deputy Directors at mga NBI agent na nagtatrabaho para sa bayan.

Diyan natin makikita na seryoso ang tuwid na daan ni Pangulong Noynoy.

Masigasig ang buong NBI na kasuhan lahat ng mga illegal at kriminal sa buong bansa.

Nakita naman natin na patuloy na kinakasuhan lahat ng lumalabag sa batas sa ating bansa.

••••

Nakalulula ang Philhealth, malalaki rin pala ang bonus.

Nakaaawa naman ang Bureau of Customs dahil masyado naman ‘atang inaapi.

Ang dapat talagang paimbestigahan ay ang PAGCOR, DPWH, SSS, GSIS at ilan pang malalaking ahensiya ng gobyerno lalo na ‘yung government on controlled corporation.

Maawa naman kayo sa BoC dahil hindi naman corrupt ang mga ‘yan at hindi kagaya ‘yan ng SSS at Philhealth na malalaki ang bonus.

Panahon na para sibakin ang mga namumuno diyan sa SSS at Philhealth.

Lalo ‘yung mga corrupt na ahensiya ng gobyerno kagaya ng Immigration.

•••

Nakikiramay ako sa ating mga kababayan na naapektohan ng mga nagdaang delubyo sa ating bansa gaya ng bagong Santi sa Northern at Central Luzon at lindol sa Visayas at Mindanao.

Magdasal po tayo at lalo sana tayong tumatag sa ating pananampalataya.

Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …