Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis nadale ng salisi

bagamat makalumang estilo ang pamamaraan ng hinihinalang miyembro ng ‘salisi gang’ matagumpay niyang natangay ang gadgets, pera at alahas kamakalawa ng hapon sa Pasig City.

Nanlulumong dumulog sa tanggapan ni Insp. Glenn Magsino, ng Criminal Investigation Section ng Pasig City Police, ang biktimang si Cerila Octaviano, 46-anyos, residente ng Saint Michael cor. Saint Joseph Sts., SPS Subdivision, Brgy. Rosario ng lungsod.

Ayon sa ginang dakong 1:00 ng hapon nang dumating sa kanyang bahay ang suspek na inilarawan niyang may taas na 5’2″, payat ang pangangatawan.

Nagpakilala umano ang suspek na kaibigan ng kanyang pamangkin na si  Gardner Gracilla, kayat kanyang pinatuloy at sinabing hintayin na lamang ang pag-uwi ni Gardner.

Makalipas ang ilang sandali, nagsabi ang suspek sa ginang na nagugutom dahilan para lumabas ng bahay at bumili ng makakain para sa bisita.

Pabalik na ang ginang sa kanyang bahay, nasalubong niya ang suspek at sinabihan siya na ililipat lamang ang kotse sa tapat ng kanilang apartment.

Ngunit ilang minuto ang nakalipas, hindi na bumalik ang suspek at dito napuna ng ginang na bukas ang pintuan ng kanyang kuwarto at nang kanyang silipin ay wala na ang kanyang mga gadget at alahas.

(MIKKO BAYLON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …