PINAIGTING ng Supreme Court (SC) at ng NBI ang imbestigasyon laban sa sinasabing ‘Ma’am Arlene’ na may malakas na impluwensya sa hudikatura at tinaguriang ‘court fixer’ at ‘decision broker’
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, pag-uusapan ng NBI team at binuong team ng SC sa pangunguna ni SC Associate Justice Marvic Leo-nen at dalawang retired justice, ang nasabing imbestigasyon.
Inihayag ni De Lima, direktang magbibigay ng kanilang detalye ang NBI kay Leonen kaugnay sa kanilang imbestigasyon.
Napag-alaman na una nang hiniling ni De Lima sa SC na mag-inhibit siya sa imbestigasyon dahil sa nakabinbin niyang kaso sa Korte Suprema.
Si Ma’am Arlene ay tinaguriang Janet Lim-Napoles sa hudikatura dahil sa dami ng mga kasong kanyang inaareglo.
Madalas siyang magpa-book ng mga event o party sa isang 5-star hotel sa Maynila para sa inaayos niyang miyembro ng hudikatura.
ni BETH JULIAN