Monday , January 6 2025

SanMig itatabla ang serye

PUNTIRYA ng Petron Blaze ang 3-1 kalamangan kontra SanMig Coffee sa kanlang salpukan sa Game Four ng PLDT Telpad PBA Governors Cup best-of-seven championship series mamayang 8 m sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kahit na hindi nakapaglaro ang lead point guard na si Alex Cabagnot ay dinurog ng Boosters ang Mixers, 90-68 para sa 2-1 bentahe sa serye.

Ang Boosters ay nagwagi sa Game One, 100-84 subalit nakatabla ang Mixers nang sila ay manalo sa Game Two, 100-93.

Hindi napigilan ng SanMig Coffee ang pananalasa ni Elijah Millsap sa Game Three  kung saan nagtala siya ng game-high 28 puntos bukod pa sa walong rebounds, tatlong assists at dalawang steals.

Si Millsap ang leading contender para sa best Import award at katunggali niya si Marqus Blakely na gumawa ng 17 puntos para sa SanMig Coffee sa Game Three.

Ang Best Import, Most Valuable Player at iba pang manlalarong nagningning sa kasalukuyang season ay pararangalan sa Leo Awards sa ganap na 6 pm.

Sina James Yap ng SanMig Coffee at Arwind Santos ng Petron Blaze ay mga contenders para sa MVP award.

Si Yap ang tanging local ng SanMig Coffee na nagtapos nang may double figures sa scoring. Sa kabilang dako, sina Santos, June Mar Fajardo at Marcio Lassiter ay pawang nagsumite ng double figures sa scoring upang tulungan si Millsap.

Nagtulong din ang mga reserbang sina Dennis Miranda at Paolo Hubalde upang punan ang pagkawala ni Cabagnot na may right foot injury.

“The rest of the guys stepped up as we made the right adjustments after that loss in Game Two. We hope to continue playing well,” ani Petron’s rookie tactician Gelacio Abanilla na naghahangad na mapanalunan ang kanyang  unang kampeonato bilang head coach sa PBA.

Umaasa si SanMig Coffee coach Tim Cone na makakabawi ang Mixers sa Game Four.  “A three-point loss and a 22-point loss are just the same thing. What’s important is to bounce back from that.”

Puntirya ni  Cone ang ika-15 kampeonato niya upang maging winningest coach ng PBA.

Ang Petron ay nagwagi sa Game One, 100-84 subalit naitabla ng SanMig ang serye matapos magtagumpay sa Game two, 100-93.

Sakaling makaulit ang Petron mamaya ay puwede nang wakasan ng Boosters ang serye sa Linggo at maiuwi ang kanilang ika-20 kampeonato sa PBA.

(SABRINA PASCUA)

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino POC

POC naghahanda para sa unang medalya sa Winter Olympics sa Harbin Games – Tolentino

MAGPAPADALA Ang bansa ng 20-miyembrong koponan sa ika-siyam na edisyon ng Asian Winter Games na …

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *