Sunday , January 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sangalang nagpalista na sa PBA draft

ISINUMITE na kahapon ni Ian Sangalang ang kanyang aplikasyon para sa 2013 PBA Rookie Draft na gagawin sa Robinson’s Place Manila sa Nobyembre 3.

Dumalo si Sangalang sa opisina ng PBA sa Libis, Lungsod ng Quezon, upang dalhin ang kanyang aplikasyon kasama ang kanyang manager na si Atty. Charlie Chua.

Dating manlalaro ng San Sebastian sa NCAA at NLEX ng PBA D League si Sangalang bago siya nagdesisyong pumasok sa PBA.

Pinagpipilian ng Barangay Ginebra San Miguel kung sinuman kina Sangalang o Greg Slaughter ang magiging top pick ng Kings sa draft.

Kung mapupunta sa Ginebra si Slaughter, magtutunggali ang San Mig Coffee at Rain or Shine sa pagpili kay Sangalang.

Bukod kina Sangalang at Slaughter, pasok din sa mga listahan ng draftees sina Jeric Teng, RR Garcia, Raymond Almazan, Nico Salva, Justin Chua, Mike Silungan, Mark Lopez, Mark Bringas, Eric Camson, Anjo Caram, Dave Najorda, Jeckster Apinan, Isaac Holstein, Jett Vidal, James Forrester, Alex Nuyles at Jens Knuttel.

Ngayong araw ang taning para sa pagsumite ng aplikasyon para sa draft.        (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …