Friday , November 22 2024

PNoy sumadsad sa resbak ng Pork, DAP

101813_FRONT
PATINDI nang patindi ang pagngingitngit sa galit ng taong bayan sa isyu ng pork barrel scam at patuloy na dumarami ang mga ekspertong kumukwestiyon sa legalidad ng Disbursement Acceleration Program (DAP) na ginawa ng Malacañang gamit ang bilyon-bilyong pondong ipon ng gobyerno, na para sa ilan ay isa na namang discretionary fund na kontrolado ng Palasyo.

Kaya naman malaki ang ibinagsak ng performance rating ni Pangulong Aquino sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS), ayon kay political analyst Ramon Casiple.

Mismong si Pangulong Aquino ang kumontra sa mga panawagang alisin ang DAP, ito’y sa kabila ng paniniwala ng mga eksperto sa pangunguna ni Fr. Joaquin Bernas ng Ateneo at UP professors na sina Harry Roque at Ben Diokno na hindi basta-basta pwedeng maglabas o mag-realign ang Department of Budget and Management (DBM) ng pondo mula sa government savings.

Anila, walang kapangyarihan ang Malacañang na mag-juggle o pagpalit-palitin ang mga pondong nakalaan para sa bawat kagawaran o ahensiya sa taunang General Appropriations Act (GAA) o national budget.

Kaya naman matindi ang resbak kay Pangulong Aquino ng pagbatikos sa illegalidad ng DAP at kasamaan ng pork barrel o Priority Development Assistance Fund (PDAF), base na rin sa resulta ng pinakabagong survey ng SWS na bumagsak ng 15 puntos ang performance score niya mula sa +64 noong nakaraang survey sa +49 na lamang noong Sept. 20-23 survey.

Ani Casiple, “Obviously, Napoles, pork barrel, and Zamboanga have taken their toll,” patungkol sa pagsadsad ng SWS rating ni PNoy sa mga isyu ng pork barrel, ni suspected pork scam mastermind Napoles at ng pag-atake sa Zamboanga City.

Nitong nakaraang buwan lamang nailantad sa publiko ang DAP matapos isiwalat ni Sen. Jinggoy Estrada sa Senado na sinuhulan ng Malacañang ng “extra pork” ang senator-judges upang suportahan ang kagustuhan ni PNoy na patalsikin ang noo’y Chief Justice Renato Corona sa impeachment trial nito noong nakaraang taon.

Maging ang mga kasalukuyan at dating miyembro ng Supreme Court ay tinawag nilang “unconstitutional” ang “pork barrel” funds, kasama si dating Chief Justice Reynato Puno na humihimok sa mga mamamayan na gamitin ang paraan ng “People’s Initiative” upang tuluyan nang maalis ang DAP at PDAF.

Hinihimok niya kamakailan ang One Million People March Movement na magsagawa ng People’s Congress para makapagsulong ng panukala—sa pamamagitan ng People’s Initiative na napapaloob sa 1987 constitution—na mag-aalis sa DAP at PDAF, at masilip ang “abuses of Congress in the exercise of its power over the purse.”

Bilang tugon, nagplano na magsagawa ng iba’t ibang kilos protesta kasama ang ibang mga grupo para ipakita ang kasamaan ng pork barrel at sakyan ang panawagan ni Puno na magkaroon ng People’s Initiative upang sibakin ang bulok na sistemang ito.

Kabilang sa iba pang legal experts na tutol sa DAP ay si dating senador Joker Arroyo, na bumatikos sa Malacañang sa paggamit ng Administrative Code bilang dahilan para magkaroon nitong “patently illegal” na PDAF.

Nagarote naman si Solicitor General Francis Jardeleza nang ipagtanggol niya ang pork barrel sa gitna ng oral arguments sa Supreme Court na tumatalakay sa anti-PDAF petition na isinampa ni Greco Belgica at iba pang kasama nito.

Sinabi ni Justice Antonio Carpio na “riddled with unconstitutionalities” o puno ng katiwalian ang PDAF law, at sinabi rin unconstitutional dahil binibigyan ng kapangyarihan ang namumuno sa bawat departamento para mailipat-lipat ang pondo at payagang makapamili at pondohan ang proyekto matapos maaprubahan ang GAA.

Hinimok ni dating Ilo-ilo Rep. Augusto Syjuco ang Supreme Court na ideklarang unconstitutional ang DAP at maghain ng kaso laban kina Abad at Senate President Franklin Drilon, na siya umanong utak sa likod ng DAP.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Puno na dapat ay ang taumbayan na mismo ang kumilos sa pamamagitan ng People’s Initiative na saklaw ng Konstitusyon upang tuluyan nang ma-abolish ang DAF at PDAF  dahil hindi na natin inaasahan ang Kongreso, maging si PNoy na magpasa ng batas para dito.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *