NAGKASAGUTAN sina Senador Jinggoy Estrada at Senador Alan Peter Cayetano.
Ito ay matapos ihayag ni Estrada na bawasan ang pagiging pakikialamero ni Cayetano.
Kaugnay pa rin ito sa pagharap ni Janet Lim Napoles sa imbestigasyon ng Senado sa susunod na Linggo hinggil sa P10 billion pork barrel scam, na dapat ding humarap ang mga senador na may reklamong plunder dahil sa anomalya.
Ipinaalala ni Estrada kay Cayetano na wala itong karapatang pangunahan ang kanilang desisyon at wala rin itong karapatang magdikta kung ano ang dapat nilang gawin.
Dinuro-duro pa ni Estrada si Cayetano na galit na galit habang nagpapaliwanag.
Kasama si Estrada na may reklamong plunder sa office of the Ombudsman na inihain ng Department of Justice, sina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile at Senador Bong Revilla, Jr.
(CYNTHIA MARTIN)