SA classical feng shui applications, ang kabayo ay nagdudulot ng enerhiya ng tagumpay, katanyagan, kalayaan at bilis.
Kaya naman ang horse feng shui symbol ay kadalasang ginagamit sa Fame area ng Bagua (South), gayundin sa Career area (North).
Ang imahe ng kabayo (o maraming kabayo) sa art man, larawan o iskultura, ay kadalasang ginagamit bilang feng shui applications sa negosyo at opisina.
Ang kabayo ay sumisimbolo sa fire feng shui element. Tandaan na huwag maglalagay ng mga kabayo, halimbawa ay imahe ng tumatakbong mga kabayo, sa Wood feng shui element areas dahil susunugin ng fire element ang wood element.
Kung gusto mo ng kabayo at nais mo itong gawing feng shui cure sa love and marriage feng shui area, tiyaking maglagay ng dalawa nito (hindi isa lamang o tatlo).
Kung mayroong iskultura ng kabayo, maaaring itong iharap sa ano mang open space, katulad ng pintuan o bintana. Ngunit maaari ring komunsulta sa feng shui cure placement guide.
Lady Choi