Sunday , December 22 2024

Dellosa nakikipagbrasuhan sa intel; kandidatong bulsa ang mahalaga

HALOS isang buwan pa lang naitatalaga sa Bureau of Customs bilang deputy commissioner for enforcement itong si dating Armed Forces of the Philippines chief of staff Gen. Jessie Dellosa subalit marami na ang agad ay asar sa kanya dahil sa kanyang pagiging ambisyoso.

Hindi pa nga naisasaayos nito ang kanyang gawain sa enforcement group ay nais na nitong kuhanin pa ang puwestong iniwan ni Deputy  Commissioner Danilo Lim sa intelligence group na nagbitiw sa puwesto dahil sa pagpaparinig ni Pangulong Benigno Aquino III sa retiradong heneral sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo.

Gusto palang makopo ni Dellosa ang lahat ng pinanggagalingan ng salapi sa kaharian ni BOC Commissioner Ruffy Biazon.

Ngayon, nakikipag-agawan na rin si Dellosa sa puwestong kinakaatatan naman ni Prudencio Reyes na dating Deputy Commissioner for Assessment and Operations Coordinating Group. Ipinagyayabang nitong si Reyes na siya ang gusto ng Palasyo na maupo sa dating puwesto ni Lim.

Naku naman, magtitiwala pa ba sa iyo ang Malakanyang gayung batid nilang kinasuhan ka sa Ombudsman noong ikaw ay nasa Local Water Utilities Administration (LWUA)?

Para sa kaalaman ng marami, itong si Dellosa ang tanging opisyal na noong magretiro ay inadress si Executive Secretary Paquito Ochoa ng “Paquito Diaz.” Parang sinabi tuloy nito na kontrabida ang opisyal na isa sa malakas kay Pnoy.

Maari nga namang natuwa si ES kay Dellosa kung kaya’t nang dumaan sa tanggapan nito ang appointment ng retiradong heneral ay kaagad niyang dinala sa tanggapan ng pangulo upang malagdaan.

Iba talaga ang masuwerte. Hindi na kailangang maghirap upang makabingwit ng maganda at makatas na puwesto sa pamahalaan.

***

Ilang araw na lang ay nalalapit na ang halalang pambarangay. Ipinaaalala lang po ng inyong lingkod sa mga botante na pumili ng karapat dapat na lingkod bayan na kanilang iluluklok sa puwesto.

Hindi kailangang may malaking perang pakakawalan ngayong botohan subalit ang dapat ay iyong tapat sa paglilingkod at hindi ang habol ay kung paano pauunlarin ang sariling kabuhayan.

Hindi rin po kailangang mataas ang pinag-aralan subalit sana naman ay iyong marunong bumasa at sumulat upang hindi naman maibenta ang barangay ng walang kalaban-laban.

Sa Maynila kasi sa parte ng District 3, may isang negosyante na tatakbong chairman gayung hindi naman marunong bumasa at sumulat at ang tanging katangian ay husay sa pagsisinungaling at galing sa pagdiskarte sa usaping pera.

Dapat nating bantayan ang gawain ng kandidatong ito. Hindi dapat hayaan na manalo dahil tiyak kaawa-awa ang barangay nito.

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *