Sunday , December 22 2024

Apat na heneral sa NAIA isa-isa nang ‘naglalaho’

00 Bulabugin JSY

NOONG una’y magigiting at matitikas pero nitong huli’y unti-unting nalagas.

‘Yan ang impresyon ngayon ng mga taga-Airport sa ‘apat na heneral’ na kumabit sa administrasyon ni MIAA GM JOSE ANGEL HONRADO.

Malaki kasi ang tiwala ni Pangulong Noynoy sa kanyang ‘sanpit’ na si GM HONRADO base na rin sa kanyang track record bilang military man.

Kaya naman nang dalhin ni GM HONRADO ang apat na retiradong heneral sa kanyang administrasyon ay wala tayong narinig na pagtutol mula sa Palasyo.

Pero unang ‘nalagas sa tangkay’ ng administrasyon ni MIAA GM Bodet Honrado si dating senior assistant General Manager Antonio Bautista na sumabit sa isyu ng sexual harassment.

Sumunod na nagbitiw ay si ret. Gen. Algier Tan ng Airport Police Department.

Base sa information, hindi raw yata napagbigyan ni Gen. Tan ang dalawang maimpluwensiyang tao na sina bayaw at si uncle (Kamaganak Inc.) na may isinamang bidder pero natalo sa bidding tungkol sa daang milyon halaga ng bagong security camera (CCTV) sa airport.

Napikon daw ‘yung infuential person kaya hiningi ang kanyang ulo?

At ang masama pa raw, ay ginawan siya ng intriga at napagbintangan na ini-rig n’ya ang bidding, kaya natalo ‘yung mga bata ng maimpluwensiyang tao.

Hindi raw talaga matanggap ng natalong bidder ng Kamaganak Inc., na mas mababa ang bid ng nanalong contractor.

Nitong nakaraang dalawang linggo, ang pumutok na balita, nag-RESIGN na rin si MIAA assistant general manager ret. B/Gen. Salvador Peñaflor.

Ayon sa ating source,  nilayasan ‘este’ nag-resign si Peñaflor dahil hindi inaksyonan ang kanyang reklamo sa ‘masamang’ performance ng Lockheed Detective And Watchman Agency Inc sa airport.

‘E sino ba ang magkakalakas ng loob na pakialaman ‘yang Lockheed ‘e protektado ni PAPA SENATOR ‘yan.

Kaya ngayon daw, ang natitirang HENERAL na lang sa Airport ay SAGM ret. Gen. Vicente Guerzon …

Hanggang kailan naman kaya TATAGAL si AGM ret. GEN. GUERZON?

Abangan!

DURAAN ANG MGA ‘PORK BARREL AT DAP’ LAWMAKERS

GUSTO ni Senator Miriam Santiago na dura-duraan daw ang mga SENADOR at iba pang mambabatas na sangkot sa maeskandalong Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP).

‘E ‘yung una nga niyang suhestiyon ‘e painumin daw ng HEMLOCK. (‘Yung lason na ininom ni Socrates nang siya ay sentensiyahan ng kamatayan dahil umano sa KORUPSIYON sa kabataan at kawalan ng sampalataya sa Diyos).

Sa totoo lang, mas maraming Pinoy ngayon ang nagsasabi na mas mabuti pang buwagin na ang KONGRESO.

Pero sapat na ba ang buwagin lang?!

Paano ang mga nagkasala sa batas at sa sambayanan sa pamamagitan ng pandamarambong sa kabang yaman ng bayan?!

Hanggang ngayon ay hindi man lang nagpapakita ng AKSYON ang administrasyon ni Pangulong Noynoy na BAWIIN ang mga NADAMBONG ni Janet Lim Napoles.

Ang tig-P50 milyones sa mga senador at iba pang mambabatas na nagpatalsik kay dating chief justice Renato Corona. Bukod pa sa P100 milyones na napunta kay Senate President Franklin Drilon.

Ano pa ang aasahan natin sa isang KONGRESONG tuta ng kapangyarihan at kagahaman sa kwarta ng bayan?!

Senator Miriam Defensor Santiago, hindi lang sila dapat duraan, dapat nang BUWAGIN ang KONGRESO!

Hindi pa kayo ang tinamaan ng LINDOL mga tinamaan kayo ng KASWAPANGAN!

MAGNA CUARTA ‘ESTE’ CARTA NG MAG-UTOL NA RUFUS AT MAXIE RODRIGUEZ, TAHASAN ANG PAMBABASTOS SA BILL OF RIGHTS NG PHILIPPINE CONSTITUTION

NAKATATAWA naman ang mag-utol na sina Cagayan de Oro representative Rufus Rodriguez at ang utol niyang party-list representative na si Maxie Rodriguez.

Mantakin ninyong imbes tumulong sa pagsusulong ng Freedom of Information Bill (FOI) e naghain pa ng house bill para raw ang mga journalist ay magkaroon ng examination upang maging lehitimo?!

SONABAGAN!!!

Gusto n’yo pa kaming gawing deodorant/pampabango n’yo?!

Kunwari para sa pagtataas ng kalidad ng mga mamamahayag  pero sa katotohanan iyan ay isang uri ng panunupil at panghahati o dibisyon sa hanay ng mga mamamahayag.

Congressman Rufus, Sir, dekano ka na ng batas … baka nalilimutan mo ang Article III Section 4 ng Konstitusyon natin, eto po uulitin ko lang …

Section 4. No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.

Paki-review na lang po ulit representatives Rufus & Maxie!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *