SA punto ng enerhiya, ang sha chi, o feng shui poison arrows, ay arrows ng malakas na attacking energy na nakapuntirya sa iyong personal energy field. Pinahihina nito ang iyong ener-hiya at hindi nagsusulong ng magandang kalusugan at kagalingan.
Paano matutukoy ang feng shui poison arrows, o sha chi sa bedroom. Maingat na suriin ang inyong bedroom sa pamamagitan ng feng shui eyes, at tukuyin ang lahat ng feng shui poison arrows, na tinatawag na sha chi, na nakaturo sa iyo habang ikaw ay nasa kama. Ito ay maaa-ring nightstand, o nasa malayong piraso ng furniture, katulad ng chest ng drawers, o mula sa sharp wall corner – tiyaking i-neutralize ang sharp energy na nakapuntirya sa iyo.
Ang pinakamadaling paraan ng pagtukoy sa feng shui poison arrow ay sa pama-magitan ng paghiga sa kama at mula roon ay inspeksyonin ang mga bagay sa inyong bedroom – mayroon bang ano mang sharp corners na nakaturo sa iyo habang ikaw ay nasa kama? Makaraang mainspeksyon ang furniture, suriin naman ang décor items – mayroon bang sharp coner mula sa mala-pit na painting na mistulang naghahagis sa iyo ng sharp arrow? Ang mataas na candle holders, mayroon bang sharp arrows?
Suriin din ang dingding at tingnan kung may matulis na kanto na nakaturo sa iyo habang ikaw ay nasa kama.
Paano ito reremedyuhan? Una, tukuyin ang lahat ng poison arrows; maaaring masorpresa ka kapag nalaman mo kung ilan ang mga ito. Pangalawa, gamitin ang creativity, dahil ang bawat poison arrow ay maaaring kailangan ng bahag-yang magkakaibang feng shui cure o remedy.
Sa ilang kaso, ang bahagyang pagbabago ng posisyon ng furniture ay sapat na. Halimbawa, baguhin ang posisyon ng bedroom art o décor items, gayundin ay bahagyang iurong ang nightstand, upang mapalambot o mailayo ang nakapuntiryang mga arrow.
Sa kaso ng matulis na kanto, o piraso ng furniture na hindi maaaring galawin, maaari itong takpan ng tela upang mapalambot ang sharp energy, o ng tugmang décor scheme, ha-limbawa ay artificial plant, para matakpan ang sharp edge.
lady Choi