ANG lumalalang away ni Finance Secretary Purisima at Customs Commissioner Biazon ay humantong last week sa pag-uutos ni Secretary na repasohin ang mga transfer order na pinag-iisyu ni commissioner.
Nagkaroon ng kalituhan sa mga nasabing transfer order ni Biazon na lumabas na walang aprubal si Purisima na kinagalit ng huli.
Tila idinaan ni Biazon sa lakas na kanyang taglay kay P-Noy. Alam naman natin na siya ay certified member ng KKK Family ng palasyo. Pero tila hindi ito uubra kay Purisima. Para sa kanya dapat sundin ang ipinag-uutos ng tariff and customs code na lahat ng transfer ultimong mga empleyado dapat may aprubal sa Finance.
Ito seguro ang dahilan kung bakit sa loob ng two years bilang hepe si Biazon ng Customs, halos walang malaking reshuffle ng mga port collector na naganap. Nito na lang huli dahil nga tila napansin ni Secretary na hindi ginagalaw ang maraming port collector sa kabila ng banat kaliwa at kanan sa media, mga sector apektado ng smuggling.
Kaya ang ginagawa ni Purisima sila na mismo ang gumawa ng paraan upang matibag ang mga collector, lalo na iyong may mga kapit sa mga politiko. Pero ang nangyari pala, tapos na madala sa DoF iyong 27 collectors na naglabas si Biazon ng sunod-sunod na memo.
Isa rito ay ang pagtatalaga ng mga OIC (officer in charge) bilang pansamantalang kahalili ng 27. Pero iyon palang mga ipinalit ni Biazon walang aprubal pa ni Purisima. Kaya hayon, sabon ang inabot niya kay Secretary last week. Ang ipinagtataka ng marami, hindi nagbigay si Biazon ng kanyang katwiran na dati ay ginagawa niya. Wahapen?
Except for the fact that Biazon draws his political strength from Malacañang, wala nang iba siyang leverage. Dahil nga ang kanyang shortfall kasing luwang na ng Malinta Tunnel. The public does not see the light at the end of the tunnel.
Isa pa walang say si Biazon sa pag-a-appoint sa mga bagong deputy commissioner, ni sa kanila ay walang backer na politiko at wala rin politiko sa kanila. Hindi tulad ni Biazon na dating congressman.
Arnold Atadero