Monday , December 23 2024

Populasyon hindi ekonomiya ang lumalago

NAGKUMPISAL ang World Bank kamakailan na mali ang nagawa nilang pagtataya na palago ang ating ekonomiya para sa taon na ito matapos matuklasan na mali pala ang binabasa nilang datos. Lumabas na ang napagbatayan pala ng kanilang maling pagtataya ay ang lumalagong po-pulasyon ng Pilipinas at hindi ang ating ekonomiya.

Sa pag-amin na ito ng World Bank ay dapat maghunos-dili ang kasalukuyang administrasyong Aquino sa patuloy na pagyayabang na lumalago ang ating ekonomiya. Malinaw hindi lamang sa mamamayan kundi sa mga dayuhang bankero na rin na ang nagtatamasa lamang ng sinasabing paglago ng ekonomiya ay ang 40 pamilya na may control sa 76 porsyento ng yaman ng bansa.

Dahil sa lisyang hatian ng yaman na kinokonsinti ng administrasyon ay mahigit sa 25 milyon sa ating mga kababayan ang nabubuhay sa P40 lamang sa isang maghapon. Bukod sa pagiging ganid ng mga naghaharing pamilya, ang kahirapan ng taong bayan ay pinalalala ng pagnana-kaw at pagsasamantala sa poder na ginagawa ng mga pul-politiko at matataas na opisyales ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Ilan sa mga pinagpapasasaan ng mga linta  ay ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na mas kilala sa mabahong taguri nito na pork barrel at ang Disbursement Acceleration Program (DAP). Bukod pa ito sa limpak-limpak na bonus na pinaghahatian ng matataas na opisyal ng pa-mahalaan at korporasyon ng estado.

Uulitin ko ang lumalago sa ating bayan ay ang populasyon at ang bulsa ng mga walanghiyang pul-politiko’t kapitalista, hindi ang ekonomiya ng bansa o ang ordinaryong kabuhayan ni Juan dela Cruz.

* * *

Hindi natin dapat makalimutan ang isyu ng PDAF kahit na lumutang ngayon ang usapin tungkol sa DAP. Sa ngayon ay malinaw na sa lahat ang kawalang batayang matuwid ng pork barrel sapagkat ito ay malinaw na tukso para gumawa ng kawalang-hiyaan ang isang pul-politiko. Ang DAP sa kabilang banda ay kaila-ngan pa natin himayin bagamat may mga hibo ito ng pagiging katulad ng PDAF.

‘Ika nga ayusin muna natin ‘yung maari nang ayusin ngayon bago tayo kumuha pa ng ibang aayusin.

* * *

Sa pagkakataong ito ay tamang muli si Senadora Miriam Defensor Santiago nang kanyang sabihin na tanga lamang ang naniniwala na walang ibig sabihin ang ginawang medical mission ng sektang Iglesia ni Cristo kamakailan na namerhuwisyo sa libo nating kababayan sa Kalakhang Maynila. Sabi kasi ng Malacañang walang bahid politika ang ginawa ng INC.

“There is a message behind the INC event today. If you are a politician and you don’t get it, you are a fool,” diin ni Santiago.

May mga nagsabi na ang ginawang ito ng pundamentalistang sekta ay isang pahaging kay B.S. Aquino na umayos sa pakikitungo sa mga kasapi nila sapagkat kaya nilang magmobilisa ng tao at paralisahin ang Kalakhang Maynila.

* * *

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga isyu ng panahon ugaliing making sa podcastpilipinas.com/nelsonflores tuwing Huwebes alas-nueve (9) hanggang alas-diyes (10) ng gabi .

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *