Friday , November 22 2024

Neneng 5-anyos pinag-shabu, kelot arestado

“Imbes makapagturo at maging magandang impluwensiya, siya  pa ang nagtuturo at sapilitang pinahitit ng  shabu ang aking anak.”

Ito ang reklamo  ng ina ng 5-anyos nene na ginawang laruan at pilit na  pinahitit ng shabu ng isang adik sa  Caloocan City .

Agad naaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Alvin Bejeramo, 22, residente  ng  1541 Salmon St., Brgy. 8, ng lungsod na nahaharap sa kasong Exploitation of Minor at nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police.

Sa ulat ng Women and Children Protection Desk (WCPD) Caloocan Police, nagsumbong sa kanyang ina ang biktimang itinago sa pangalang Susie,  sa ginagawa ng suspek na  sapilitang pagpapahitit ng shabu.

Agad nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek.

Nabatid na madalas na kapag bangag na bangag ang suspek at wala ang magulang ng biktima ay pilit itong pinagagamit ng shabu na napansin lamang ng ina dahil sa pagiging tulala nito at parang wala sa sarili ang bata.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *