MARAMING nagsasabi na sadyang may dalang hindi magandang suwerte (in short, kamalasan) ang pamilyang Aquino sa tuwing nauupo sa puwesto. Aba e hindi naman ako naniniwala sa ganyan pero kung pag-aaralan natin ang mga pangyayari e tila gano’n na nga.
Noong panahon ni Cory, sunod-sunod ang dagok sa Pinas. Bukod sa sandamakmak na kudeta, naroon ang lindol noong 1990 at pagputok ng Pinatubo noong 1991. Sa panahon din na ‘yun nangyari ang Doña Paz at Ormoc tragedy na libo-libo ang namatay.
Dumaan ang panahon ni Fidel “Tabako” Ramos, Joseph Estrada at Gloria Arroyo. Mayroon mang malulupit na aksidente pero hindi naman ganoon kalalaki at karaniwang dulot ng pagbabago ng panahon gaya ng bagyong Ondoy at Pepeng.
Panahon ni PNoy. Oh! My God! Kay Bagyong Pablo pa lang marami nang nalunos. Kabi-kabila rin ang ang matitinding insidente sa karagatan at kalupaan gaya ng nangyaring hostage taking sa Quirino Grandstand. At heto na naman ang napakalakas na bagyong Santi at ang dagok ng lindol sa Bohol. Hindi lamang buhay ang nawala sa mga pangyayaring ito. Ang mas kalunos-lu-nos ay ang pagkawasak ng matatandang simbahang Katoliko na binuo pa noong sinaunang panahon. Mga National Heritage sites na nga-yon ay ibinagsak sa lupa ng matinding pagyanig.
Ano pa ba ang kamalasang naghihintay sa bansa natin?
Sumpa nga ba o pagkakataon lamang? Maaaring ang lahat nang ito’y may dahilan at may patutunguhan at katapusan. Kung ano ‘yun hindi po natin alam dahil hindi tayo Diyos.
Mahirap isisi sa pamilyang Aquino ang mga nangyayaring ito. Unfair ‘yan. Samakatuwid, ang dapat natin gawin ay tanggapin at harapin ang mga hamong nakaharap sa atin.
Pasalamat na rin tayo at nabulgar ang ka-tarantaduhan sa PORK BARREL. ‘Yan ay isang biyaya na dapat ipasalamat. Antagal na pala ta-yong iginigisa sa sariling matika ng mga BUMABABOY sa atin.
Sila ang dapat malibing sa guho ng kasaysayan.
Joel M. Sy Egco