ANO nagkalat ang mga kumikilos na mga gerilya sa Pasig City, Metro Manila, Baguio City, La Tri-nidad (Benguet) at lalawigan ng La Union? Nakatatakot yata ang impormasyong ito.
Teka nasaan ang pulisya natin, bakit tila nagawang pasukin ng mga gerilya ang mga nabanggit na lugar? Nalusutan yata ang PNP-IG natin maging ang matinding CIDG? Hindi ba delikado sa mga mamamayan ng mga nabanggit na lugar?
Hindi naman daw, sabi ng ating impormante. Dahil ang tinutukoy na ‘gerilya’ ay hindi tao o mga rebelde kundi isang klase ng operasyon ng ilegal na negosyo sa Pasig, Baguio, La Trinidad (Benguet) at La Union.
Gano’n ba? Mabuti naman at hindi patungkol sa mga armadong indibiduwal na nakikipagbakbakan sa tropa ng gobyerno kung hindi ang dami na naman nadamay na inosente.
Yes, estilong gerilya raw ang operasyon ng mga ilegal na pasugalan sa nabanggit na mga lugar.
Sa Pasig City, tuloy ang operasyon ng pasugalan ni LAARI. Estilong gerilya – patago nang patago raw ang operasyon ng lotteng ni LAARI. Hindi rawa tulad ng nakaraan na lantad ito. Ge-rilya o lantad, pareho lang ‘yan.
Guerilla type daw ang operasyon dahil wala raw basbas mula sa Pasig Police, maging sa NCRPO lalo na sa Kampo Crame partikular sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Ano!? Walang basbas. Neknek n’yo! Walang basbas ba iyong nagbibigay naman ng weekly intel ang operator sa ilang tiwaling opisyal ng mga nabanggit para makapag-gerilya. Ayos ‘yan ha!
Ganoon din daw sa Baguio City at La Tri-nidad, Benguet (at ilan pang bayan ng Benguet). Hayun tuloy at lantad na ang sinasabing jueteng guerilla type operation ni LUDING sa nabanggit na lugar.
Malakas ang loob ng kampo ni LUDING dahil sa basbas na mula sa ilang tiwaling opisyal ng pulisya sa mga tinukoy na lugar.
Gerilya raw ang operasyon pero nakapagbobola naman ng tatlong beses sa loob ng isang araw. Iyan ba ang operasyong gerilya?
Hindi lang sa Baguio City at lalawigan ng Benguet ang sinasabing nakapag-gerilya si LU-DING sa kanyang jueteng kundi maging sa lalawigan ng La Union. Gerilya o patago raw ang operasyon pero lantad na lantad naman.
Magpa-Pasko na raw kasi kaya binigyan na ng basbas ang gambling operators para sa Dis-yembre ay tiba-tiba na naman ang mga tiwaling opisyal ng PNP – diyan sa La Union Regional Office, Benguet Provincial Police Office, Baguio City Police, at Pasig City.
E ang Kampo Crame – lalo na ang CIDG at IG. Wala ba silang kinalaman sa balik-operasyon ng mga pasugalan na ito?
Si Gen. Alan Purisima, PNP chief, ano sa palagay n’yo mga kababayan, wala kaya siyang kinalaman sa mga ‘gerilya’ na ‘yan? Ewan ha!
***
Ano naman ang info na matapos buwagin ni Customs Comm. Ruffy Biazon ang iba’t ibang task force sa BoC na nagagamit sa pangongotong, e hayun mayroon pa rin daw mga pabigat sa mga broker. Tuloy pa rin ang pangongotong sa kanila.
Oo nawala nga raw ang mga TF kabilang ang REACT pero ang hindi nawala at nananatili pa rin sa pananarantado sa mga broker ay ang mga nakatalaga sa iba’t ibang opisina.
Akala nga ng mga negosyante makahihinga na sila nang maluwag sa pagkawala ng mga TF, iyon pala ay hindi at lalo pa silang pinahirapan. Dinoble iyong kotong sa kanila. Iyong dating ibi-nibigay sa mga TF ay ipinadagdag ng mga tiwali sa dati nilang kinukuha. Ayos ha.
Comm. Biazon, mukhang wala nang pag-asang tuwirin ang Aduana.
***
Para sa inyong reklamo, komento at suhestiyon, magtext lang sa 09194212599.
Almar Danguilan