Friday , November 22 2024

Bigas sa Bohol at Cebu segurado

101713_FRONT
TINIYAK ng National Food Authority (NFA) na magiging sapat ang supply ng bigas at iba pang pagkain sa mga lalawigan ng Bohol at Cebu at sa iba pang mga lugar sa Visayas at Mindanao sa kabila ng malaking pinsala na idinulot ng magnitude 7.2 lindol na tumama roon nitong Martes.

Base sa huling mga ulat umaabot na sa 144 katao ang namatay, mahigit 291 naman ang nasugatan at 23 nawawala dahil sa nasabing pagyanig.

Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga namatay at nasaktan dahil maraming lugar pa ang hindi napupuntahan ng mga awtoridad at mga rescuer sanhi ng mga nasirang daan at mga tulay.

Kaugnay nito, iniutos ni NFA Administrator Orlan Calayag sa kanyang mga tauhan na tiyaking magigiging sapat ang ipinamamahagi nilang bigas sa mga apekatadong lugar para maiwasan ang panic buying na maaaring magresulta sa mga kaguluhan.

“Alam natin, sa mga ganitong pagkakataon ay mabigat ang papel na ginagampanan ng mga ahensiya ng gobyerno kabilang na ang NFA, para tiyakin sa ating mga mamamayan na nandito ang pamahalaan na handang tumulong at ibigay ang mga kinakailangan nilang serbisyo” wika ni Calayag.

“Pinakamahalaga kasi na mabigyang katiyakan na walang pagsasalat sa supply ng bigas at iba pang mga pagkain, para nang sa ganoon ay maging mas magaan sa mga biktima ang gagawin nilang pagbangon mula sa naranasan nilang bangungot” dagdag niya.

Maliban sa pagtitiyak na magiging sapat ang supply ng bigas sa mga apektadong lugar ay tinitingnan na rin nila ang posibilidad na makatulong pa ang ahensiya sa iba pang paraan katulad ng pagtatayo ng relief operations center kung kinakailangan.

Nakikipag-ugnayan na rin ang ahensiya sa iba pang mga tanggapan ng pamahalaan tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pangunahing inaatasan para magpaabot ng tulong sa mga biktima ng lindol.

Maliban doon, malamang na magpakalat din ng rolling stores ang NFA sa iba’t ibang lugar para tiyakin na tuloy –tuloy ang supply, at mabibili ang bigas sa P27 kada kilo para sa regular milled rice at P32 kada kilo para naman sa well -milled rice.

Matatandaan na pinangunahan ng NFA ang aktibong pamamahagi ng bigas sa mga kinauukulang ahensiya at tanggapan ng pamahalaan sa kasagsagan ng bakbakan ng tropa ng pamahalaan laban sa mga tauhan ni Nur Misuari ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Dahil sa ginawa ng NFA, hindi gaanong naramdaman ng umaabot sa mahigit 105,000 evacuees ang gutom at sa kabila ng dami nila ay natiyak ng mga awtoridad na nangangalaga sa kanila na nakakakain sila ng tatlong beses sa maghapon.

Dahil doon ay nakatanggap ang ahensiya ng papuri at pasasalamat mula sa iba’t ibang grupong pribado at gobyerno na kumilala sa mahalagang papel na ginampanan nila sa panahon ng nasabing krisis.

“Nais lang namin ipaalam sa ating mga kababayan na laging nandito ang NFA para tuparin ang mandato na tiyakin na sapat ang supply ng bigas sa anomang pagkakataon at kahit sa anong sitwasyon,” paliwanag ni Administrator Calayag.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *