Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

18 obrero inararo ng jeep, 1 dedbol

ISA patay at 17 sugatan, dalawa nasa kritikal na kalagayan makaraang araruhin ng rumaragasang dyip habang nag-aabang ng masasakyan ang mga trabahador kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Kinilala ang namatay na si Pancho Gregy Cabuac, 22 anyos ng Brgy. Rosario, Pasig habang isinusugod sa Pasig City General Hospital.

Sugatan naman ang kapwa nito trabahador ng Peerless Integrated Services na sina: Jayson Remetala, 22; Ariel Delos Santos, 23; Efren Necerio, 25; Romeo Pendang, 23; Joel Navarro, 27; Duncan Masada, 23; Adam Salamudin, nasa hustong gulang; Rodel Remando, 35; Brian Vival, 25; January Endaya, 21; Jerome Zumbille, 27; Justine Mangadi, 19, Mark Parillo, 21; Ricardo Polise, nasa hustong gulang; Candy  Rona, nasa hustong gulang; Aaron Viva dela Paz at Mark Anthony Trinidad.

Sa imbestigasyon ng Pasig Traffic Unit, dakong 10:43 ng gabi kalalabas lang ng mga biktima sa trabaho at nag-aantay ng masasakyan sa tapat ng Universal Robina Corporation sa Amang Rodriguez Ave., Brgy. Rosario ng lungsod ng araruhin ng dyip na may plakang TXT-196 na minamaneho ng isang Richard Eleazar Portillo ng Brgy. San Miguel sa lungsod.

Tumakas ang suspek sa halip na saklolohan ang mga nabiktima, ngunit dakong 12:00 ng gabi ay kusang loob itong sumuko sa Pasig City Traffic Unit at sinabing nawalan ng preno ang minamanehong sasakyan.

Nakapiit ang suspek sa detention cell at nakatakdang kasuhan ng homicide, multiple injuries at multiple serious physical injuries.

(Ed Moreno/MIKKO BAYLON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …