INILIPAT SI LANDO SA PIITANG BAYAN AT NI ANINO NI ATTY. LANDO AY DI NIYA NASILAYAN
Tumayo si Mario nang tawagin ng klerk ang kanyang pangalan.
“Nasaan ang abogado mo?” usisa ng hukom kay Mario.
“W-Wala pa po…” sagot niya.
Dahil walang abogado si Mario, mabilis na nagpasiya ang hukom na ipagpaliban sa ibang araw ang pagdinig sa kanyang kaso. Ipinirma niya ang pangalan sa palagdaan ng katiba-yan ng pagdalo sa korte. Lumagda rin doon ang grupo ni Sarge bilang mga “arresting officers” at ang magbabalut na si Mang Pilo, bilang saksi.
Paglingon ni Mario kay Delia ay nadaanan ng kanyang mga mata ang isang babae at lalaki, kapwa nasa gulang na hindi lalampas sa singkwenta at mukhang mag-asawa. Tuwid na tuwid ang matatalim na pagtitig sa kanya, parang gusto siyang katayin. Hula niya’y ina’t ama ang mga ito ng dalagang estudyante na biktima ng panggagahasa at pagpatay. At sa pakiramdam niya, hindi pa man nauumpisahan ang pagdinig sa kaso ay hinatulan na agad siyang “nagkasala” ng mga magulang ng kaawa-awang biktima.
Mula sa korte ay inilipat si Mario sa piitan ng kapitolyo ng lalawigan. Doon man ay hindi rin siya sinilip man lang ni Atorni Lando Jr., o nagpahatid pasabi kung bakit hindi ito nakadalo sa paglilitis. (Subaybayan bukas)
Rey Atalia