Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Reactions sa medical mission ng INC sa Manila

SAMO’T SARI ang naging reaksyon sa ginawang -medical mission ng Iglesia Ni Cristo (INC) nung Lunes sa Lawton, Manila.

Marami ang mga natutuwa dito na nabahaginan sila ng relief goods. Na dapat ay ginagawa ng gobyerno.

Pero mas marami ang nagagalit. Dahil sa grabeng perwisyo ang naidulot nito. Ang mga jeepney drivers nag–iiyakan dahil walang kinita buong araw. Gutom daw ang pamilya nila. (Hindi siguro sila nakapila)

Ang business establishments nalugi! Walang naging kostumer dahil sa trapik.

Ang mga estudyante na nagme-makeup class dahil sa mga nagdaang bagyo ay masama ang loob dahil nadagdagan na naman daw ng araw ang makeup class nila.

Ang mga nag-oopisina na dumadaan sa may Lawton buwisit na buwisit dahil sobrang late sa trabaho.

Ang spokesperson nga ng Korte Suprema na si -Theodore Te ay idinaan sa kanyang Twitter account ang sobrang pagkaasar.

Nasuspinde pa ang pasok sa mga korte sa Maynila mula 1:30 ng hapon. Kaya marami na namang kaso ang hindi naresolba sa araw na yun.

Kung bakit naman kasi sa Lawton pa ginawa ang medical mission na yun ng INC. Samantalang mas maganda kung sa may Luneta Grandstand yun ginanap, maluwag pa. Maglagay lang sila ng tent at napakaluwag ng lugar.

Sabi ng INC, nasa 1.6 milyon daw ang pumunta sa kanilang medical mission. Sabi naman ng PNP, higit 700,000 lang.

Actually, yung mga pumunta ay karamihan mga dala ng mga kandidato sa barangay election sa Oktubre 28!

Gayunpaman, pasalamatan natin ang INC sa kanilang pamimigay ng relief goods. Pero mas maganda raw kung sa erya na sinalanta ng kalamidad nila ito ginawa kungsaan higit na nangangailangan ng tulong laluna medical, tulad ng Zamboanga na dinaanan ng giyera at baha. At sa Central Luzon na binaha rin ng ilang araw nitong mga nagdaang araw. Oo nga naman…

Anyway, purihin natin ang INC!

Mayor Erap,

may kolektong along

Quiapo, Avenida at Recto…

– Report ko po ang grabeng pangongotong ng tauhan ng pulis dito sa kahabaan ng Quiapo, Avenida at Recto. Lalo pong tumitindi ang pangingikil ng kolektor na si Anton -alyas “Tabak”. P500 po ang kolekta nya bawat pwesto. Nagmumura pa at nananakot. Hindi lang po namin alam kung sino ang amo niya. Pero may nagsabing pulis daw na taga-City Hall ang kanyang amo. Sana makarating po ito kay Mayor Erap. – 09332427…

Barko ng Montenegro

biyaheng Odiongan muntik masunog sa laot

Isang kababayan ko ang nag-text sa akin. Ang text niya dated Oct. 13 at 6:53 pm: “Joey, gud pm. Muntik na masunog ang barkong Del Rosario ng Montenegro Shipping Lines papunta ngayon sa Odiongan mga 11:30. – Yufs ng Odiongan, Romblon

Hindi natin alam kung nakarating na ito sa kaalaman ng Philippine Coast Guard. Dapat nila itong imbestigahan considering na talagang mga luma na ang mga barko ng Montenegro Shipping Lines sa Batangas.

Paging mayor, congressman,

governor ng CamSur

– Sir, paki-kalampag naman po ang congressman na nakakasakop sa Buhi, Camarines Sur, ganundin ang mayor at gobernador. Kailan po ba sila maaawa sa mga tao dito? Ipagawa naman sana nila ang kalsada dito sa tapat ng simbahan ng San Vicente (Bura Buran), Buhi, Camarines Sur. Pati ang pari dito nasisikmura na, sige paganda ng -simbahan, pero ang kalsada sa tapat napakadelikado. Puro ka salita, congressman, mayor at gobernor… Wala kayo binatbat kay Gov. Salceda ng Albay! – 09062739…

Mayaman na ngayon itong lalawigan ng CamSur. Umunlad ang kanilang turismo. Dapat pati ang mga kalsada dyan ay inaayos nyo na rin, Governor at Congressman!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …