BINABATI natin ang mga taong nagpapakahirap para makapaghatid ng magagandang panoorin tuwing Sabado sa atin, ang bumubuo ng Maalaala Mo Kaya at Wansapanataym.
Kapwa kasi kinilala ang galing at husay ng mga de-kalibreng episode ng dalawang panoorin mula sa dalawang sikat na international award-giving bodies. Ang mga episode na iyon ay sumasalamin sa natatanging husay ng mga Filipino sa larangan ng telebisyon.
Ang award ay kasabay ng engrandeng pagdiriwang ng 60 taon ng telebisyon sa bansa kaya naman napakagandang regalo nito. Nakasungkit ng nominasyon ang MMK sa International Emmy Awards 2013 bilang Best Drama Series. Ito ang natatanging programang nominado mula sa Pilipinas.
Inilahok ng ABS-CBN sa International Emmy Awards 2013 ang Manikaepisode na pinagbidahan nina Jane Oineza at Angel Aquino at ang kuwento ng Pulang Laso nina Carlo Aquino at Joem Bascon. Ang dalawang MMKentries ay kapwa idinerehe ni Nuel Naval.
Hinirang naman ng Asia-Pacific Broadcasting Union (ABU) Prizes 2013bilang finalist sa Television Special Jury Prizes-Children’s category ang ansapanataym episode na Number One Father and Son na tinampukan ng Kapamilya child wonder na si Zaijian Jaranilla at Epy Quizon. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Sponky Villarin.
Gaganapin ang 41st International Emmy Awards Gala sa Nobyembre 25 sa Hilton New York Hotel; samantalang ang finals ng ABU Prizes 2013 ay sa Oktubre 28 sa Hanoi, Vietnam.
Kaya patuloy na tutukan tuwing Sabado ng gabi ang longest-running fantasy-drama anthology na kasunod ang longest-running drama anthology sa Asya naMaalaala Mo Kaya (MMK) sa Yes Weekend ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
Maricris Valdez Nicasio