Sunday , January 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meralco nagpapalakas ng line-up

NANG tanggapin ni Paul Ryan Gregorio ang tungkulin bilang head coach ng Meralco Bolts ay pinilit niya na magkaroon din ng main go-to guy ang kanyang koponan tulad ng nilisan niyang Purefoods Tender Juicy Hotdogs (ngayo’y SanMig Coffee).

Ang main man niya sa Purefoods noon ay si James Yap na nagwagi ng Most Valuable Player award ng dalawang beses.

Kapag kailangan ng Purefoods ng puntos, isa lang ang sasabihin ni Gregorio sa mga bata niya. Give the ball to James!

Kadalasan ay naipapanalo ni Yap ang Purefoods!

So, ganoong uri ng player ang gusto ni Gregorio para sa Meralco.

At ang kanyang napusuan ay si Mark Cardona na noon ay naglalaro sa Talk N Text.

Dahil sister teams naman ang Meralco at Talk n Text ay nakuha niya si Cardona sa pamamagitan ng isang trade na pinaikot muna sa ibang team.

Tatlong taon ding nagtagal si Cardona sa kampo ng Meralco. Pero sa loob ng siyam na conferences, ang pinakamataas na naabot ng Bolts ay ang semis ng kasalukuyang Governors Cup. And take note, hindi naman gaanong nakapaglaro si Cardona sa torneong ito.

So, hindi siya napakinabangan nang husto.

Sa pagpapasok ng ika-39 season ng PBA, hindi na si Cardona ang main man ng Meralco.

Si Gary David na.

Bagama’t may edad na si David, naniniwala si Gregorio na kaya nitong gawin ang ginagawa ni Yap.

Hindi nga ba’t natulungan ni David ang Powerade na makarating sa Finals ng Philippine Cup dalawang seasons na ang nakalilipas?

Si Gregorio ay nasa ikaapat na taon ng five-year contract niya bilang coach ng Meralco. Kailangan na nilang makarating sa Finals at magkampeon sa ilalim ng kanyang programa.

Kasi, kapag hindi nila nagawa ito, malamang na magkaroon ng balasahan sa koponan.

Ayaw ni Gregorio na mapasama sa balasa!

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …