Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

InTense concert ni Erik, pinakamahal!

ISA si Erik Santos sa itinuturing naming magaling na mang-aawit. Damang-dama raw kasi ng sinumang nakaririnig sa magandang tinig ng singer ang ganda ng musika. Kaya nakatitiyak kami na marami ang masisiyahan kapag nanood ng kanyang concert na InTENse: A Decade with the Prince of Pop sa Nobyembre 9, 8:00 p.m. sa PICC Plenary Hall.

Ayon kay Erik, ito ang itinuturing niyang pinakamahal na konsiyerto dahil bukod sa mahal ang venur, mahal din ang sessionista niya na si Homer Floresgayundin ang director nitong si Mr. Johnny Manahan.

Pero tiyak namang sulit ang gabing ito dahil bukod kay Erik, makakasama niya ang iba pang magagaling na mang-aawit tulad nina Yeng Constantino, Angeline Quinto, Ai Ai delas Alas, Pops Fernandez, at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. With special participation pa ng G-Force.

Bale katuwang ni Erik ang Cornerstone sa pagpo-produce ng show na ito with major sponsors SM Accessories, Advance Aesthetics, Let’s Face it, Systema Tooth and Gum Care, Qualibet Testing Services Corporation, Carrington Inc and Progressive Laboratories, minor sponsors naman ang Calayan Surgi Center at Goki’s Gym at ang Bosom Buddies ang beneficiary ng nasabing concert.

Sa isang dekada ni Erik sa industriya, masasabing hindi lamang ang pag-awit ang kanyang sinubukan at napagtagumpayan. Sinubukan din niya ang pagho-host at pag-arte. Pagkaraang maging champion sa Star In A Million, naging mainstay na siya bilang performer at host sa ABS-CBN’s Sunday Variety show na ASAP, at naging host sa Star Power, isang singing-reality show kasama si Megastar Sharon Cuneta. Nagpakita na rin siya ng galing sa pag-arte sa pamamagitan ng MMK at sa musical stage play na Little Mermaid kasama siRachelle Ann Go. Naging matagumpay din ang kanyang mga nagdaang konsiyerto at talagang jam-packed ang mga tour locally at abroad, plus ang kanyang soulful big pipes.

At sa totoo lang, sa tuwing may konsiyerto si Erik, napupuno nito lagi ang venue at nag-iiwan ng magagandang feedback mula sa mga nanood. Sa loob ng maraming taon, nakapag-perform na siya kasama ang ilang OPM superstars tulad nina Pilita Corales, Basil Valdez, Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Sharon Cuneta, Kuh Ledesma, Pops Fernandez, Lea Salonga, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, at Lani Misalucha.

Kaya naman sabi nga ni Erik, napaka-bless niya sa loob ng sampung taong inilalagi niya sa industriya na hanggang ngayo’y ine-enjoy ang kasikatang mayroon siya ngayon. Umaasa siyang patuloy pa rin siyang susuportahan ng mga taong nagmamahal sa kanya tulad sa nalalapit niyang konsiyerto sa Nov. 9.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …