Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Holdaper tigok sa kuyog

PATAY ang isa sa dalawang holdaper nang dumugin ng galit na mga lalaking nakasaksi sa panghoholdap  habang sugatan sa pananaksak ang isa sa mga humabol sa mga suspek sa Pasay City kahapon ng umaga.

Halos hindi makilala sa tindi ng pinsala sa mukha ang hinihinalang holdaper na kinilalang si Jayson Encabo alyas “Batman,” residente ng 2430 Gamban Extension, Ilang-Ilang St., Pasay.

Sugatan din ang isa sa mga pasahero na tinangkang holdapin, si Marina Jaime, 53, ng 140 Tramo Riverside matapos tumalon sa jeep at isinugod naman sa pagamutan ang 17-anyos na si Martin Guial, isa sa mga humabol sa mga suspek matapos saksakin ni Encabo.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Joel Landicho, sumakay ang dalawang suspek sa pampasaherong jeep sa kanto ng Aurora Blvd., at Tramo kaya agad tinutukan ng patalim ang mga pasahero saka nagdeklara ng holdap.

Sa takot, tumalon agad si Jaime at nakuha agad ang bag ng isa pang pasaherong si Glowell Toleos, 34, na naglalaman ng P3,000 cash at mga personal na gamit.

Tumanggi ang isang pasaherong si Conrado Patinio, 22, computer technician na ibigay ang kanyang bag kaya’t nagkaroon ng kaguluhan na napansin ng mga kalalakihan sa Sgt. Mariano Cemetery na naging dahilan upang  bumaba ang mga suspek saka hinabol ng mga tambay.

Tinamaan ng bato si Encabo at nang matumba ay pinagtulungang gulpihin na kanyang ikinamatay habang nakatakas ang kanyang kasama.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …