Sunday , January 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hagdang Bato vs Crusis kinasasabikan

Nagpahayag ng pananabik ang ilang karerista na magkaharap sa isang laban ang kapwa itinuturing kampeon sa lokal at imported na mananakbong kabayo sa bansa na sina Hagdang Bato at Crusis.

Ayon sa isang grupo ng Hagdang Bato Boys sa Quezon City, pagbigyan sana ang bayang karerista nina Mandaluyong  Mayor Benjamin “Benhur Abalos Jr.  (may-ari ng Hagdang Bago) at Former Philippine Racing Commission (Philracom)  Comm. Marlon Cunanan na nagmamay-ari ng kay  Crusis na maglaban.

Naniniwala ang grupo ni  Mang Sonny na malaki ang panalo  ng kanilang hinahangaan na si Hagdang Bato laban sa imported na si Crusis.

“Tumitindi ang aming pananabik na magkaharap ang dalawa” ani Mang Sonny.

Iyon ang naging reaksiyon ni Mang Sonny, ang masugid na mananaya  ng Ping-Ping OTB ni Chairman William “Maca” Chua  sa Brgy. Paang Bundok, Quezon City.

Masahol pa umano sa intensity 7 na tumamang lindol sa Bohol ang magiging laban ng dalawa at  siyempre may ilan naman nagpahayag na tagahanga ni Crusis.

“Sa tingin namin, nakatagpo na ng katapat si Hagdang Bato—si Crusis at lubhang takot na masira ang rekord ni Hagdang bato kaya ayaw ilaban kay Crusis  panunuya pa ni Mang Boy,” ang sabungero ng La. Loma Cockpit.

Sa loob ng Sabungan ay may hamunan na  nagaganap kung magkakaharap sina  Crusis at Hagdang Bato.

Noong Lunes nang makausap natin si Mayor  Abalos, na hindi pa handa ang kanyang alaga sa Ambassador  Eduardo M. Cojuangco  Cup dahil higit na pinaghahandaan nila ang Presidential Gold Cup.   Sa bagay malayo pa ang Cojuangco Cup sa Nobyembre 17 pa baka magbago ang isip ni Mayor Abalos pagbigyan ang kanyang tagahanga na harapin si Crusis.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …