BUNSOD ng karamihan sa mga bata ay itinuturing ang playroom at bedroom na magkaparehong lugar, mahalagang magkaroon ng good feng shui, manatiling malinis ang clutter-free ang silid na ito.
Taliwas sa paniniwala ng nakararami, ang clutter ay madaling ayusin sa kwarto ng mga bata. Maglaan ng clutter clearing system at ipatupad ito, at tiyak na ikaw ay mamamangha kung paano tutulong sa iyo ang mga bata kapag nasimulan mo na ang feng shui routine.
Dahil ang lahat ng bagay ay nais ng mga bata na itago sa kanilang kwarto, mahalaga ang pagkakaroon ng mataas na level ng oxygen. Ang pagkakaroon ng air-purifying plants, katulad ng peace lily, areca palm, English ivy, etc, ay mainam na ideya.
Narito ang ilang feng shui guidelines para sa children’s bedroom. Ang kama ay:
*Hindi dapat masyadong malapit sa bintana;
*Dapat ay may solid wall sa likod o may magandang high headboard.
*Maglagay ng solid wood bedframe ng atleast 20-30 cm mula sa sahig, at dapat ay clear ang lugar sa ilalim nito.
*Dapat ay walang salamin o high reflective surfaces na nakaharap sa kama.
Ang pagbubuo ng masaya at malusog na kapaligiran sa inyong mga anak ay maaaring mahirap na tungkulin, ngunit tiyak na sulit naman kung para sa kapakanan ng mga bata.
Lady Choi