Sunday , December 22 2024

Flights nabalam, paglalayag kanselado (Dahil sa lindol sa Bohol at Cebu)

ILANG flights patungong Tagbilaran at Cebu ang nabalam kahapon ng umaga makaraang tumama ang malakas na lindol sa Visayas region.

“All Cebu Pacific Air flights from Tagbilaran, Bohol and Cebu are suspended in the meantime, due to a strong earthquake this morning,” anang Cebu Pacific sa kanilang advisory.

Ilang oras din nabalam ang Philippine  Airlines flight PR 773 na patungong Tagbilaran dahil sa magnitude 7.2 lindol sa Bohol.

Ngunit ang 85 pasahero mula sa orihinal na bilang na 155 ng flight 773 na nakatakdang lumipad dakong 9:30 ng umaga, ay nagboluntaryong magpa-offload, o humiling na ‘wag na silang isakay.

Batay sa source, ‘yung mga pasahero ng PAL flight 848 (Cebu-Manila) ay pasakay na sana sa eroplano nang biglang lumindol.

“Boarding na sana kaso nga lang nagtakbuhan ‘yung mga pasahero palabas ng airport,” anang source.

Flight PR 849 (Manila-Cebu) at isa pang Manila-Cebu flight PR 853 na dapat sanang umalis sa kanilang pang-umagang flights ay pansamantalang pinigilan pero pinayagan din dakong tanghali.

Ang iba pang PAL flights na patungong Cebu na nakatakdang umalis ay ang PR 855 (12:00n), PR 857 (1:00p.m.), PR 861 (3:30p.m.), PR 863 (5:00p.m.), PR 865 7:35p.m.), PR 867 (9:10p.m.), at PR 879 (10:00p.m.).

Samantala, dakong alas-11:22 ng umaga, isang advisory mula sa Cebu Pacific ang nagbigay ng kanilang update na kanselado ang flights 5J 617 and 5J 618 (Manila-Tagbilaran-Manila) dahil sa suspension ng Tagbilaran airport operations. Pero ang flights na patungong Cebu at pabalik sa Manila ay tuloy ang operasyon.  “Guests are advised to expect consequential delays on flights today. We will continue to provide updates as soon as possible.”

(GLORIA GALUNO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *