Monday , December 23 2024

Fire chief, 2 pa sinibak (‘Di nagresponde sa sunog)

SINIBAK ang isang hepe ng Fire Department at dalawa niyang tauhan makaraang hindi mag-responde sa nangyaring sunog sa pampublikong mataas na paaralan sa Bgy. Unzad Villasis, Pa-ngasinan kamakalawa.

Ang mga sinibak ay kinilalang sina FO2 Gusta-vio Gonzales, FO3 Nor-berto Ricarde at ang kanilang hepe na si FO4 Millan Pangan.

Ang pagsibak sa tatlong BFP officers ay pormal na inihayag kahapon ni F/Inspector Jesus Mendoza, BFP provincial administrative officer ng Pangasinan, habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa nangyaring sunog sa Unzad National High School na bigong respondehan ng mga bombero.

Nauna rito, binatikos ni Mayor Libradita Abrenica ang mga bombero sa kanilang bayan sa hindi pagres-ponde. Aniya, mas mabuti pa ‘yung mga bombero sa ibang ba-yan at nakapagres-ponde.

Naniniwala si Abrenica na hindi sana naabo ang mga silid-aralan ng mahigit 600 estudyante ng high school kung nagresponde ang mga bom-bero sa kanilang bayan.

(JAIME AQUINO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *